Sunshine Cruz, pinagbawalang magsalita sa kasong isinampa kay Cesar Montano

Sunshine Cruz, pinagbawalang magsalita sa kasong isinampa kay Cesar Montano

Sunshine-Cruz-Cesar-MontanoNAGING MAINGAY man nang lumabas bagong pasabog ni Sunshine Cruz tungkol sa dalawang bagong kasong isinampa niya laban sa kanyang dating asawa na si Cesar Montano, mukhang tikom na muna ang kanyang bibig sa pagsasalita. Isa na nga ang child abuse case.

At iyon nga ay utos ng kanyang lawyer. Gustuhin man niyang magsalita ay ‘di puwede.

“Pinagbawalan na muna ako ng lawyer ko na magsalita sa media. Medyo delicate nga kasi ang bagay-bagay. At ang mga kids ang kawawa rito,” sey niya.

So, wala muna, mananahimik muna si Sunshine. Ang tanging wish namin ay lumabas ang katotohanan.

Sa true lang.

At habang hindi nireresolba ang isyung ito ay patuloy na walang peace of mind ang bawat kampo. Ang mga bata nga ang kawawa rito.

 

HINUHULAAN NA ng marami na big hit ang movie nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na Crazy Beautiful You. Tiyak na hihigitan daw nito ang kanilang last movie na She’s Dating the Gangster.

Idagdag pa natin si Iñigo Pascual na lumalaki na rin ang mga tagahanga.

Kaya naman kampante ang Star Cinema na positive ang post-Valentine movie ng Kathniel.

Ikaw na ang mag number 1 ng bansa.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!