Sunshine Cruz naka-isolate sa pamilya dahil nakaranas ng Covid-19 symptoms

Leo Bukas

Wala mang diretsang pag-amin mula kay Sunshine Cruz pero kung pagbabasehan ang kanyang mga post sa social media ay tila na-infect din siya ng covid-19 virus.

Sa Instagram post ng aktres noong  April 10 (Sunday) ay makikitang nakahiga siya sa kama.

“16/14 Patience is definitely a virtue. It is already a blessing that I am just isolated in the comfort of my home (most are confined in hospitals or Kalinga Centers).

Sunshine Cruz naka-isolate sa pamilya  dahil nakaranas ng Covid-19 symptoms
Sunshine Cruz

“I may not see the kids but hearing and chatting over the phone with them makes me look forward to seeing and hugging these princesses of mine once again,” caption ni Sunshine sa kanyang IG post.

Ibinahagi rin ng Bagong Umaga star na nakararanas siya ng mga  symptoms ng nakamamatay na sakit.

“I know I am on my way to recovery. Headache, body pain is now more tolerable, cough is not as worse, my sense of taste and smell have improved. I thank God everyday for I am slowly getting better,” lahad pa niya.

Humingi rin ng panalangin si Sunshine para  sa kanyang pamilya at mga kaibigang apektado ng COVID-19 pandemic.

“Day 11/14. So near yet so far. I miss hugging and talking to my three girls. Amidst our struggles especially during this time of pandemic, I can’t thank the Lord enough. My family’s situation is still much better than those that I have been hearing and seeing online.

“It is scary and I always worry for my family, loved ones and friends. But then saan ba ako dadalhin ng pag-aalala at sobrang pag-iisip? Dasal talaga ang sinasandalan ko, yung suporta at pagbibigay ng lakas ng loob ng mga taong nagmamahal samin ng mga bata. You guys know who you are. Thank you!

“Can I ask that you please include my kids and I sa prayers niyo? Laban lang po tayo,” pakiusap pa ni Sunshine.