Sunshine Cruz, nagloka-lokahan?!

ADVERTISING

Sunshine Cruz, nagloka-lokahan?!Sunshine Cruz, nagloka-lokahan?!LUKRING ITONG si Sunshine Cruz na misis ni Cesar Montano.

Matapos ipangalandakan ang away nila ng mister niya sa Twitter, itong hunghang naman ay nakikiusap sa media na huwag na daw isulat ang tungkol sa pambababae ng asawa niya at makakaapekto daw ito sa tatlong anak nilang mga babae.

Kung hindi nga ba naman may tama itong si Sunshine at nag-isip muna na kaladkarin sa publiko ang gulo nilang mag-asawa, ‘di sana’y walang nakaaalam.

Ngayon, papaano pa ipaliliwanag ni Sunshine sa mga anak nila na ang “Papa Cesar” nila ay may kinakaibigang babae lang na nagngangalang Krista Miller, gayon ang buong bayan nagbigay na ng kanilang mga opinion at kuro-kuro sa isyu?

Ang Twitter, malakas na medium para magparating ng mensahe sa mas nakararami. Ilang milyon din kasi ang mga may Twitter account at may mga sinusundan sa social networking na ito na mas matindi pa kaysa sa Facebook.

ADVERTISING

 

SPEAKING OF Twitter, may mga bashers si Kris Aquino na inaakusahan siya na hindi siya mabuting ina sa kanyang mga anak.

May mga pagkakataon na hindi namin gusto ang mga paninindigan ni Kris at hindi kami kumporme. Pero sa isyung ito, we disagree.

Hindi man namin napapasok ang personal na buhay ng Queen of All Media, ang pagmamahal niya sa dalawa niyang mga anak – kay Josh at kay Bimbi ay patunay lang kung gaano sila ka-close na mag-iina.

Tama ang sabi ni Kris sa The Buzz last Sunday, may mga isyu siya sa buhay na hindi kumporme ang iba, pero ang napatunayan niya kung paano niya napalaki nang tama at may mabuting asal ang mga anak niya ay repleksyon lang kung ano siya bilang isang nanay.

Mula nang maghiwalay nila ni Philip Salvador at pinalaki niya si Josh nang mag-isa ay hindi fair para kay Kris na pagbintangan na isang masamang ina. We disagree sa puntong ito.

Ang mga bashers naman kasi sa Twitter, may mai-comment lang aariba na. Kaya nga ang mga opinyonista at mga netizens sa Twitter at Facebook, hanggang komentaryo lang pero wala namang mukha na kayang iharap sa kanilang mga opinion.

Para silang mga multo na lumilitaw lang kung kailan nila gusto.

Kaya nga nagtataka kami sa mga bashers noon nina Sharon Cuneta, Anne Curtis at Regine Velasquez na pinagpapatulan nila na nakapag-iinit lang ng kanilang ulo at nakasisira sa kanilang mga mood.

Sa The Buzz, binanggit ni Kris na may tatlong tao na nagpapakilig sa kanya.

Sa katunayan, binanggit niya na ‘yong isa na nagpapakilig sa kanya ay guest nila kinabukasan (Monday) sa live telecast ng Kris TV.

I’m sure hindi si Sen. Chiz  na romantically linked to Heart Evangelista ang dahilan ng “kilig” moments ni Tetay.

Hindi kaya si Direk Lino Cayetano na minsang na-link na rin kay Bianca Gonzales at KC Concepcion na bunsong anak ni dating Sen. Rene Ca-yetano.

 

I JUST wonder, sa showbiz ngayon, ang daming nagnanais na pumasok sa pulitika.

Porke’t hindi na ba sila aktibo sa kanilang career (napagod na sa pag-aartista o di kaya’y wala nang kumukuha sa serbisyo nila) ang pulitika naman ang papasukin nila?

Public service is a commitments at hindi lang ito fad na join ka na lang sa joy ride.

Pero sabi ng isang kakilala, may pera sa sa pulitika.

Sa mga susunod na araw, hihimayin natin. Samahan n’yo ako kung papaano kumikita sa pag-join sa politics.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING