Sunshine Cruz, may respeto pa rin kay Cesar Montano

ADVERTISING

Sunshine Cruz, may respeto pa rin kay Cesar Montano

Cesar-Montano-Sunshine-CruzKAMAKAILAN AY nakakuwentuhan namin si Sunshine Cruz sa Arya Restaurant ng Podium malapit sa SM Megamall, dahil may ka-meeting daw siya tungkol sa bago niyang product endorsement. Ang huling mahabaang tsikahan na nangyari sa amin ni Sunshine ay panahon pa ng That’s Entertainment. at nu’ng makasal na siya kay Cesar Montano, palaging batian at paspasan na lang ang aming mga nagiging tsikahan, kaya nakaSasabik din siyang makakuwentuhan.

Sa mahabang oras na nakakuwentuhan namin si Sunshine nang hapong iyon, kumbinsido talaga kami na may karapatan pa siyang umariba ngayon na maging endorser ng mga beauty products, dahil konting-konti lang ang nagbago sa hitsura niya kumpara nu’ng sixteen pa lang siya.

“May panahon sa bawat bagay. Sa pagdadala ng problema, and’yan lang ‘yan at hinaharap, pero ayoko namang magkaroon ng wrinkles dahil lang sa mga problema na ‘yan,” wika ni Sunshine.

Hindi pa raw ulit handa si Sunshine na makipagrelasyon o magpaligaw. Laging nagpapakatotoo si Sunshine kapag may reklamo siya tungkol kay Cesar. Pero hangga’t maaari, ayaw niyang hahantong sila ni Buboy sa pagbabatuhan ng kung anu-anong kasiraan. May itinira siyang respeto para sa lalaking kanyang unang pinakasalan, dahil kahit daw nagkahiwalay sila ni Cesar, ama pa rin ng kanilang mga anak ang magaling na actor.

ADVERTISING

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING