Sunshine Cruz, kailangan ng katibayan sa babaeng nabuntis ni Cesar Montano

Sunshine Cruz, kailangan ng katibayan sa babaeng nabuntis ni Cesar Montano

Sunshine-Cruz-Cesar-MontanoNAG-IBA ANG mood ni Sunshine Cruz kapag nababanggit ang pangalan ni Cesar Montano. “Tumataas ang balahibo ko kapag naririnig ko ang pangalan niya. Naka-move-on na ako sa kanya. Tapos na ‘yung relationship namin. Ang gusto ko lang mangyari ay ma-annul ‘yung marriage namin para magkaroon na ako ng peace of mind. Hanggang ngayon, walang financial support si Cesar sa mga anak ko. Ang katuwiran niya sa korte, wala siyang trabaho kaya hindi niya masuportahan ang mga bata,” diretsong sabi ng actress.

Single parent ngayon si Sunshine, kailangan niyang magtrabaho para sa kanyang mga anak. Sa korte huling nagkita sina Sunshine at Cesar sa hearing nilang dalawa. “Problematic ang itsura ni Cesar nu’ng time na nagkita kami. Gusto ko nang matapos itong kaso namin, pero sa tingin ko matatagalan pa. Kailangang may mabigat na ebidensiya ako laban sa kanya para mapawalang-bisa ang kasal namin,” dugtong pa ni Sunshine.

May naglalabasan sa social media na may bagong girlfriend ngayon si Cesar at buntis diumano ang babae. Ang balita tutulak daw patungo Italy ang girl para du’n manganak. “Alam ko ang tungkol d’yan sa babae na nabuntis ni Cesar. Pero kailangan patunayan ‘yan sa korte na totoo. Proof ang kailangan ko para maniwala ang korte,” aniya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield