Sunshine Cruz, kahanga-hanga ang pagpupursigeng makatapos sa pag-aaral

ADVERTISING

Sunshine Cruz, kahanga-hanga ang pagpupursigeng makatapos sa pag-aaral

NITONG Sabado, April 1, ibinahagi ni Sunshine Cruz sa kanyang Instagram at Facebook account  ang video at larawan ng kanyang graduation sa college. Simple lang ang naging cation niya: “I did it!”

Sunshine Cruz, kahanga-hanga ang pagpupursigeng makatapos sa pag-aaral
Sunshine Cruz (courtesy of Instagram: @sunshinecruz718)

Wala na sigurong tatamis pa sa pag-abot ng ating mga pangarap. Tulad ng actress, very proud siya dahil naka-graduate na siya finally.

Walang katumbas ang saya ng aktres sa kanyang pagtatapos ng kolehiyo sa kursong Psychology sa Arellano University.

Si Sunshines ay kumuha ng alternative program na pinapayagan ang mga working professionals na kumpletuhin ang kanilang schooling na hindi dumaraan sa traditional method ng naturang unibersidad.

ADVERTISING

Noong nakaraang taon, ibinahagi ni Sunshine ang kanyang plano na ipagpatuloy ang tertiary education. 

Sabi pa niya sa kanyang post over IG and FB, “It’s never too late to go back to school.”

Samantala, present naman ang pamilya at anak ni Sunshine, ganun din ang rumored boyfriend niyang si Macky Mathay na very supportive palagi, most espcially sa kanyang karir.

Congrats, Shine! Finally, naka-graduate ka na, after all ng sacrifices mo in life, hindi ito naging hadlang para ikaw ay makatapos ng pag-aaral, isa ka sa puwedeng idolohin ng nakakarami.

Sa Sunshine ay gumaganap bilang si Camia Cruz sa seryeng “Wildflower” sa ABS-CBN na humahataw ngayon sa ratings. ‘Yun nah!  

ADVERTISING