Sunshine Cruz, itinangging nakipagkasundo na kay Cesar Montano

Sunshine Cruz, itinangging nakipagkasundo na kay Cesar Montano

Sunshine-CruzHINDI RAW totoo na tinanggap na raw ni Sunshine Cruz ang alok ni Cesar Montano na iatras ang kaso nito laban sa ex-husband. Nakapagdesisyon na raw kasi si Sunshine na ituloy ang kanyang kaso sa dating mister na nilabag diumano ang R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children’s Act.

Kaugnay raw ito ng insidenteng may ginawa diumano si Cesar na kabastusan sa harap daw ng kanilang tatlong anak na mga menor de edad na babae.

Itinanggi ni Sunshine sa Quezon City Prosecutor’s Office last March 10 na pumayag siyang makipagsundo sa kanyang extranged husband kapalit ay ibibigay sa kanya ng hinihingi nitong conjugal property sa Antipolo.

“It’s very cheap para sabihin nila na isang lupa sa Antipolo. Naman! Kaya kong pagtrabahuhan at bilhin ‘yun. Gusto niyang magkapitbahay pa kami,” pahayag ni Sunshine.

Naghain na rin ng counter-affidavit si Cesar sa kaso. Ipinagdiinan ni Cesar na ginagamit lang ni Sunshine ang kanilang mga anak para makuha nito ang gusto.

Nasa custody ngayon ni Sunshine ang tatlong anak nila ni Cesar habang may kaso sa pagitan nilang dalawa.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo