Sunshine Cruz, hindi pa rin makawala kay Cesar!

ADVERTISING

Sunshine Cruz, hindi pa rin makawala kay Cesar!

Sunshine Cruz, hindi pa rin makawala kay Cesar!
Sunshine Cruz

HINDI KAMI masagot ni Sunshine Cruz sa finale presscon ng Wildflower kung pagkatapos ng nangyari sa kanila ng ex-husband na si Cesar Montano ay naniniwala pa rin ba siya sa kasal.

ADVERTISING

Katwiran ni Sunshine, “Sa ngayon, hindi ko maisip. Ang naiisip ko muna,  eh, ma-nullify ang mga dapat ma-nullify, di ba? Kasi ang pagpapakasal naman madali lang yan, eh.”

Apat na taon na ang nakakaraan pero wala ring desisyon hanggang ngayon ang korte para sa annulment case nila ni Cesar kaya hindi raw maiwasang mainip din siya.

“My God four years na,” bulalas niya. “Hindi ko rin maintindihan, hindi ko rin alam.

ADVERTISING

“Kelan pa ba yan lalabas? Ang dami ko ng puting buhok. Kasi not for anything else may kanya-kanya na kaming buhay alam naman natin yon. So, eto na lang… para sa 101 percent freedom namin ito na lang talaga yung  kailangan para makapag-move on completely.

“Sabi ko nga,  iimbitahin ko kayo sa freedom party ko kapag nangyari yan,” pabiro niyang pahayag.

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING