Sunshine Cruz, ‘di magdadalawang-isip mamaril at magpasabog ng granada

ADVERTISING

Sunshine Cruz, ‘di magdadalawang-isip mamaril at magpasabog ng granada

Sunshine-CruzINAMIN NI Sunshine Cruz na hindi pa siya handang makita na may magtatangkang manligaw sa kanyang mga anak, lalo na sa kanyang panganay. Nagbiro pa itong nagsabi na magpapasabog siya ng granada at tutukan niya ng baril ang sinumang binata na magtatangkang pumorma sa kanyang mga anak.

ADVERTISING

Alam kasi ni Sunshine kung gaano kahirap ang ma-in love ang isang menor de edad. Wala itong pakialam, basta ang nasa isip ay puro sarap at hindi na nito iiisipin ang mangyayari pagkatapos na hindi na puwedeng ibalik.

Habang nagdadalaga ang kanyang mga anak, super proud si Shine sa ganda ng mga ito. Alam niyang marami na ang umaaligid-aligid sa mga anak niya sa school, lalo sa panganay. Pero ‘di pa nga siya handa na makitang may kahati sa atensyon sa mga anak. Gusto niyang mag-focus muna sa kanilang pag-aaral ang mga anak, lalo na ngayon na mag-isa lang niyang binabalikat ang responsibilidad at pagpapalaki sa mga ito.

Isa raw sa dahilan kung bakit hindi na siya tumatanggap ng manliligaw, bukod sa hindi pa annulled ang marriage nila ni Cesar Montano, ay ayaw niyang makita ng mga anak na may ibang lalaki na siyang ipinalit kay Cesar.

ADVERTISING

Ayaw niyang maging masamang modelo sa paningin ng mga anak pagdating sa puntong ito. Okey lang daw magkaroon ng crush ang mga anak dahil natural lang daw ito sa isang nagdadalaga. Bawal na bawal lang daw na liligawan na ito ng mga boys, dahil sigurado raw na magdidikit ang mga kilay sa sobrang galit kapag nangyari ito. Sabi ni Shine, kahit buhay niya ay ibibigay niya magprotektahan lang ang kanyang mga anak.

Masaya naman daw siya ngayon kahit single mom. Lahat ng oras ay inilalaan niya sa mga anak, sa trabaho at para sa sarili. Sana raw ay magtuloy pa ang mga TV offer na dumarating sa kanya para mas mabigyan niya ng tamang gabay at panahon ang pagpapalaki sa mga anak.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING