Sunshine Cruz, bongga ang pagbabalik sa GMA-7; ginawang bida sa Kapag Nahati Ang Puso!

ADVERTISING

Sunshine Cruz, bongga ang pagbabalik sa GMA-7; ginawang bida sa Kapag Nahati Ang Puso!

Sunshine Cruz, bongga ang pagbabalik sa GMA-7; ginawang bida sa Kapag Nahati Ang Puso!
Sunshine Cruz

AYON kay Sunshine Cruz, ayaw na niyang i-entertain ang negative thoughts tungkol sa businesswoman na si Kathy Dupaya na balak siyang sampahan ng libel case. Gusto na lang daw niyang mag-focus sa positive side at iwasan ang negativity.

“I’m just very positive and thankful for all the blessings. ’Di ba, saan ka nakakita na at 41 ay bida pa rin ako sa isang serye at pinagkatiwalaan?

Bida si Sunshine sa GMA-7 morning series na Kapag Nahati Ang Puso kasama sina Bea  Binene, Zoren Legaspi, Bing Loyzaga at Benjamin Alves.

Patuloy niya, “And ang mga anak ko ang tatalino, ang gaganda, healthy lahat. Ako rin healthy. Hindi naman ako nawawalan ng proyekto, endorsements. So, parang I don’t want to focus on negativity na nangyayari sa buhay ko kasi wala lang yon kumpara sa blessings na nakukuha ko ngayon.”

ADVERTISING

Okey din daw ang kanyag lovelife bagama’t ayaw na muna niyang magdetalye tungkol dito.

“Hindi ako puwedeng magsalita ng anything kasi nung nagsalita ako, na-contempt ako, kaya ayoko na muna. Magastos ma-contempt,” matipid niyang reaksyon.

Samantala, napapanood ang Kapag Nahati Ang Puso bago ang Eat Bulaga.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING