“Sunday Pinasaya” director Rich Ilustre, ‘di dapat nag-sorry sa AlDub Nation

ADVERTISING

“Sunday Pinasaya” director Rich Ilustre, ‘di dapat nag-sorry sa AlDub Nation

Rich-IlustreNaawa kami sa director na si Rich Ilustre. Just because nilait-lait siya ng AlDub Nation ay nag-sorry siya.

Na-pressure ang director sa mga idiot fans na ito na hindi naibigan ang pag-like ng director sa isang comment ng isang fan na nagsabing sana raw ay pagbihisin naman nang maayos si Maine Something para hindi ito nagmumukhang yaya.

Ni-like ni Direk Rich Ilustre ang nasabing comment kaya naman kaliwa’t kanang lait ang inabot niya sa fans ni Yaya Something.

Mas lalong nagwala ang fans when Direk Rich reportedly said yup sa tanong ng isan gfan kung magsyotya sina Alden Richards at Julie Anne San Jose. Later, nalaman sa social media na nope naman pala ang answer ni Direk Rich.

ADVERTISING

Still and all, direk Rich apologized to AlDub fans and said, “To #AldubNation, I sincerely apologize. I was wrong. It was a mistake on my part. Rest assured I will be more cautious in the future.”

Bakit niya kailangang mag-apologize sa fans ni Yaya Something? Meron ba siyang nagawang malaking kasalanan sa fantards ni Yaya?

We feel na na-pressure lang si Direk Rich. Wala naman siyang kasalanang dapat ihingi ng tawad sa fantards, right? Kasalanan na pala ngayon ang mag-like sa comments ng isang tao?

Some fandoms are nothing but BULLIES. Ang akala nila ay mas sikat pa sila idols nila. Ke yayabang, akala mo naman ay ke gagaling. Pwe!!!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING