Sumisikat na young actor, mahilig mangutang sa mga babaeng nililigawan

ADVERTISING

BLIND ITEM: Isang young actor ang bida natin sa ating blind item ngayon.

Yes, dear readers, sumisikat na ngayon ang bida natin kaya naman malapit sa kanya ang intriga at halos lahat ng kilos at galaw niya ay binabantayan.

ADVERTISING

Lumabas na nga ang tsikang mahilig mangutang ang bida nating si Young Actor. At ang inuutangan lang naman niya, ang kanyang mga babaeng nililigawan.

Isang very reliable source nga ang nagpatunay na okey lang daw na mangutang kung kayang magbayad.

Kasi itong si Young Actor, utang daw nang utang, walang paylalu.

ADVERTISING

At madalas na dinadahilan nitong si Young Actor ay ang bayad sa kanyang tinitirhan.

Ang tanong, ilang babae pa kayang niligawan nito ang lalantad para magsalitang, “Hoy, guwapong young actor, bayaran mo ang utang mo!”

Sa estado ng career ng bida natin ngayon, tiyak na keri na niyang magbayad.

Gusto nyo na ba ng clue? Sinooo?

May kapangalan siyang actor at isang basketbolista… ‘Yun na…

By Fernan de Guzman

ADVERTISING