Summer na, Fiestahan na!

ADVERTISING

Summer na, Fiestahan na!

Dona Elvin Exige Photography Leeds Barrio Fiesta Philippine CentreSUMMER NA naman sa UK, isa ito sa mga panahon na pinakakabangan ng ating mga kababayan dahil sa mga Barrio Fiestas. Ngayong taon, maraming nag-aabang sa mga darating na Showbiz celebrities mula sa Pinas. Ang Barrio Fiesta sa London ang pinakamalaki at pinakadinarayo ng mga kababayan natin mula sa iba’t-ibang sulok ng UK dahil sa mga naglalakihang artista. Inaasahang dumating sa London Barrio Fiesta na pinangungunahan ng Philippine Centre at The Filipino Channel or TFC ang pinakapopular na loveteam ngayon na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo o kilala sa tawag na KathNiel.

Nauna ng magdaos ng kanilang Barrio Fiesta ang ilang bahagi ng UK tulad ng Leeds. Hindi man ganoon kalaki ang mga artistang darating sa ibang lugar ay tinitiyak ng mga organisers na masisiyahan parin ang ating mga kababayan.
Ang mga Barrio Fiesta sa UK ang nagbubuklod sa ating mga kababayan. Bukod sa mga pagtatanghal, ay mga tindahan na nagbebenta ng mga traditional food at local products. Perfect ang okasyon na ito upang ipromote na it’s fun in the Philippines kaya maginvite na kayo at dalhin ang inyong mga mahal sa buhay at kaibigan!

 

Barrio Fiesta

ADVERTISING

Lampton park – July 5-6

Birmingham – July 12-13

Wales – July 19

Philippine Centre and TFC- July 19-20

Ni Joy Mesina


ADVERTISING