Sumisikat na female model, na-take home ang member ng sikat na grupo!

KINSA SILA? SINU-SINO itong dalawang personalidad na kailan lang ay na-sight ng aking mga echoserang frog sa isang sosyaling bar sa Makati na sobrang lasing?

Ang siste, party ito ng isa nilang kaibigan kaya bumabaha ng alak sa naturang bar, kaya naman abot-langit ang pagsasaya ng mga bisitang naroon. Inom dito, inom doon daw ang drama nitong sumisikat na female model, habang tahimik lang ding nakamasid ang isang miyembro ng sikat na grupo at umiinom din.

Nang medyo lasing na ang lahat, lumapit daw itong si female model sa miyembro ng isang sikat na grupo at walang kaabug-abog na niyaya niya itong umalis. Ayon, they ‘leave’ happily ever after sa bar.

Sige nga, makukuha kaya ng mga malilikot n’yong isipan ang BI na itech? Go, hula na!

(By Arniel Serato)