Sumingaw!

PINABULAANAN NI LUIS Manzano ang isyung nagkaroon diumano sila ng matinding awayan ni Jennylyn Mercado kung kaya’t pareho silang hindi nakadalo sa nakaraang Star Magic Ball. Ayon kay Luis, ang totoo raw ay paganda nang paganda ang anumang samahan o relasyon na meron sila ng Kapuso actress. Sinabi rin ng magaling na TV host na lampas-lampas at milya-milya na ang pagkakaroon nila ng MU (mutual understanding). Sige na nga! Pero kung walang katotohanan ang awayan ‘kuno’ ng dalawa eh, bakit sumingaw? Maniwala na lang tayo kay Luis at baka magalit pa si Ate Vi, hehe!

Photos by Fernan Sucalit & Parazzi Wires

By MK Caguingin

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

Previous articleCristine Reyes does the ‘Caregiver’?
Next articleNgitngit ng NPA at tuliro ang mga taga-Pasay

No posts to display