Sumbatan nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga, nakadadala ng emosyon

ADVERTISING

Sumbatan nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga, nakadadala ng emosyon

Toni-Gonzaga-Piolo-PascualILAN NA sa mga kaibigan ang nakapanood na ng Starting Over Again at halos iisa ang sinasabi nila: “Kung gusto mo ng napakagandang love story, ito na ‘yon, kaya ‘wag na ‘wag mong hindi mapapanood ito, Ogs.”
Even my wife, pare (pare daw, o!), gustung-gustong mapanood ang movie na ito, dahil ang rason naman nito, “Kahit ibang artista pa ‘yan basta Olive Lamasan ang direktor, panonoorin ko!”
Eh, kami nga, trailer pa lang, lalo na sa eksenang “sinusumbatan” ni Piolo Pascual si Toni Gonzaga, nakadadala ‘yung impit na iyak ni Toni na ramdam mo at kitang-kita mo ‘yung guilt sa mukha niya na kahit ikaw na nanonood, maaawa ka sa kanya.
Sa February 12 pa naman ang showing ng Star Cinema movie na ito, kaya makapag-iipon pa ako.
Wow, parang hirap na hirap sa buhay ang peg ko, huh! Hahahaha!

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING