Sipat-eklat #209: Suicide attempt ni Hayden Kho, may bagong ‘twist’ sa script?!

Sipat-eklat #209: Suicide attempt ni Hayden Kho, may bagong ‘twist’ sa script?!SIPAT: NAGKAPASA sa MUKHA si ZSA ZSA PADILLA nang SAMPALIN ni SHARON CUNETA sa isang EKSENA nila sa MANO PO 6. Pero AYOS lang daw sa DIVINE DIVA.
EKLAT: Si CHIN CHIN GUTIERREZ, GUSTO niyang MAKAEKSENA?

SIPAT: DISMAYADO ang FANS na GUSTONG magpa-PICTURE kay CASS PONTI. MAGPAALAM daw muna SILA sa ABS-CBN.
EKLAT: LAKAS ng TAMA, ‘no? FEELING SIKAT pa, e! Ay, SUMIKAT ba siya?

SIPAT: SUSUBUKAN naman daw ni SUNSHINE DIZON na PASUKIN ang PAGKANTA.
EKLAT: Ayos ‘yan. Basta IKANTA niya muna kung BAKIT AYAW niya nang maging KAPUSO TALAGA!

SIPAT: Uy, si JUDY ANN SANTOS ang REIGNING TELESERYE QUEEN, sey ng KAPAMILYA.
EKLAT: ‘ASAN na po ang TELESERYE?

SIPAT: KINABOG ng GMA-7 XMAS PARTY for the SHOWBIZ PRESS ang PARTY ng ABS-CBN?
EKLAT: Naks, pati sa XMAS PARTY may NETWORK WAR!

SIPAT: May BAGONG ‘TWIST’ sa SUICIDE ATTEMPT daw ni HAYDEN KHO. Kaya raw NAPADPAD sa PINYAHAN ang ating BIDA, e, dahil may nira-RUSH na TERM PAPERS?
EKLAT: GALING ng mga SCRIPTWRITER, ah! Nagiging KAPANA-PANABIK, e!

SIPAT: Dahil KAPASKUHAN naman daw, e, PATAWARIN na sana at KALIMUTAN na ang KASALANAN ni HAYDEN.
EKLAT: No problem. BURAHIN niya muna LAHAT ng KOPYA ng SEX VIDEO niya!

SIPAT: Sa IMMIGRATION OFFICE ng NARITA AIRPORT sa JAPAN daw HINDI NAKALUSOT si JOHN LLOYD CRUZ.
EKLAT: ‘NAIRITA’ yata ang mga OPISYALES sa IBINIGAY na IMPORMASYON ni LLOYDIE!

SIPAT: HINDI lang pala SECURITY ang KINUHA ni KRISTA RANILLO, may mga SHOWBIZ WRITERS na rin na MAGTATANGGOL sa kanya.
EKLAT: Of course, may BAYAD ‘yon!

SIPAT: KINAKABOG na ng RATING ng SHOWTIME ang WOWOWEE. Kaya LAGING MAINIT ang ULO ni WILLIE REVILLAME?
EKLAT: Ang KAPAMILYA talaga… GUMAWA ng SHOW na MAGLILIGWAK kay PAPI!

SIPAT: Pero HINDI naman yata MASYADONG APEKTADO si WILLIE. Ang TV5 daw kasi, e, NAKAABANG na kung LALAYAS si PAPI sa WOWOWEE.
EKLAT: SIGE NA, Willie, GO ka na sa SINGKO nang mag-RATE naman sila, ‘no!

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service