Sugar Mercado, gustong mag-focus sa pag-arte at maging ‘prosti’ sa ‘Ang Probinsyano’

ADVERTISING

Sugar Mercado, gustong mag-focus sa pag-arte at maging ‘prosti’ sa ‘Ang Probinsyano’

Sugar Mercado, gustong mag-focus sa pag-arte at maging ‘prosti’ sa ‘Ang Probinsyano’
Sugar Mercado

WALA pa ring boyfriend hanggang ngayon ang dating Sexbomb dancer at host ng Wowowin na si Sugar Mercado. Trauma raw sa ex-husband ang dahilan kung bakit ayaw muna niyang makipagrelasyon ulit.

“Nakaka-trauma. Na-trauma ang beauty ko. Pero alam mo yon,  if may someone na ibibigay akin si God, na mamahalin yung mga anak ko, why not?” pahayag sa amin ni Sugar.

Matatandaang kinasuhan noon ni Sugar ang ex-husband dahil sa paulit-ulit na pananakit nito sa kanya. Pero pagkatapos ng lahat ay nauwi rin ito sa amicable settlemet.

Kumusta naman sila ng ex-husband?

ADVERTISING

 “Okey naman kami… okey kami. Sobrang dami kong pinagdaanan. Pero dahil sa prayers, saka sa time, naghe-heal yan,” tugon niya.

Kaya raw naman niyang mabuhay ng walang lalaki.

“Ang babae nakakatiis yan. Totoo. Okey lang, kaya ko kahit wala. Mas malakas ang control ng babae, eh. Basta ang mahalaga sa akin yung mga bata,” sambit pa niya.

Importante din ba sa kanya ang laman ng bank account ng magiging karelasyon?

“Hindi. Syunga (tanga) nga ako sa ganun, eh, kita mo hanggang ngayon wala akong bahay, wala akong kotse,” diin ni Sugar.

Samantala, ngayong nag-resign na siya sa Wowin ay handa daw siyang magtrabaho sa ABS-CBN kung mabibigyan ng pagkakataon.

“Kahit prosti sa Ang Probinsyano, okey na ako,” biro pa niya. “Gusto ko namang umarte, marunong din naman akong umarte kaya bigyan n’yo ako ng trabaho,” panawagan pa niya.

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING