Sue Ramirez, naka-experience ng iba’t ibang klase ng takot sa ‘The Debutantes’

ADVERTISING

Sue Ramirez, naka-experience ng iba’t ibang klase ng takot sa ‘The Debutantes’

Sue Ramirez, naka-experience ng iba’t ibang klase ng takot sa ‘The Debutantes’
Sue Ramirez

AYON sa kuwento ng The Debutantes lead star na si Sue Ramirez, na-experience niya ang iba’t ibang klase ng takot sa horror film ng Regal.

Kuwento niya, “Marami palang variations ang takot. May subtle lang, may takot na takot. Yun ang natutunan ko kay Direk Prime (Cruz) na bigyan mo ng variations ‘yung mga reaksyon na nilalagay mo sa pelikula.

“Hindi raw pwede na pag-umiyak ka, extreme na agad ‘yung iyak. Dapat merong levels talaga.”

Aminado rin ang dalaga na napagod siya sa paggawa ng The Debutantes.

ADVERTISING

“Nakakapagod talaga pero masaya naman po. Nakakawala din ng boses kasi sigaw ka nang sigaw, di ba? Pero masaya pa rin yung experience,” sey pa niya.

Bukod kay Sue, kasama rin sa pelikula na showing na on Oct. 4 sina Jane de Leon, Miles Ocampo, Michelle Vito at Chanel Morales.

 

 
 
 
 

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING