Sue Ramirez, inalala ang araw na unang nag-fangirl siya kay Jodi Sta. Maria

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Sue Ramirez na nakatrabaho niya si Jodi Sta. Maria saz ‘The Broken Marriage Vow‘ na nalalapit na ang pagtatapos.

Sa press conference na ginanap para sa programa ay ibinahagi ni Sue Ramirez ang kauna-unahang pagkakataon na nakita niya ang hinahangaang aktres.

Sue Ramirez, inalala ang araw na unang nag-fangirl siya kay Jodi Sta. Maria
Jodi Sta. Maria and Sue Ramirez

“First time ko po siyang nakita, hindi pa po ako artista. I was 11 years old tapos she was taping ‘Tayong Dalawa; ‘yung kay Kim Chiu at Gerald Anderson,” panimulang kuwento ni Sue.

Um-effort ang paslit na si Sue sa pagkuha ng pictures ni Jodi na kasama noon ang kanyang anak na si Thirdy.

“So, nagte-taping sila roon sa village namin sa Parañaque tapos sabi nandun si Jodi Sta. Maria. So, nagbike talaga ako simula sa bahay namin hanggang sa set nila na medyo malapit lang naman tas nanood ako ng taping nila. Baby pa si Thirdy nun, lumapit talaga ko sa kanya tapos hindi ako nagpapicture, pinicturan ko lang talaga sila ni Thirdy,” masayang kuwento ni Sue.

Ayon sa dalaga, isang humbling experience ang pagbabalik-tanaw sa araw na ‘yun para maibigay niya ang kanyang best sa pagganap bilang Lexy sa programa, na hindi rin biro ang hinihingi sa kanya.

“Alam mo ‘yun ‘pag binabalikan ko ‘yung mga ganoong moments tapos ngayon ‘yung relationship namin ni Ate Jodi grabe sobrang hindi ko talaga ever in-imagine nung mga panahon na ‘yun that I will be working with her on this project,” pagbabalik-tanaw niya.

Sue Ramirez, inalala ang araw na unang nag-fangirl siya kay Jodi Sta. Maria
The Broken Marriage Vow cast members Sue Ramirez, Zanjoe Marudo, Jodi Sta. Maria and Zaijian Jaranilla

“Kaya ‘yun ‘yung binabalik-balikan ko palagi sa tuwing nakakausap ko si Ate Jodi ‘yung hindi ko talaga maalis sa isip ko, the first time that I saw her and kung paano niya ako tinanggap dito bilang katrabaho, it’s really a humbling experience.”

Papunta na talaga tayo sa exciting part dahil last two weeks na lang ang ‘The Broken Marriage Vow’. Alam na natin lahat na magagaling ang mga bidang artista sa Philippine adaptation, pero mas tinodo at binigay talaga nila ang lahat dito. Bravo!

Previous articleJodi Sta. Maria, huling teleserye na ang ‘The Broken Marriage Vow’?
Next articleJanice de Belen, inalala ang confrontation sa kabit ng ex-husband: Pasalamat ka ako ang asawa dahil kung hindi, pwedeng patay ka na o na-deport ka na!