Sue Ramirez at Maris Racal umalma sa nagpapakalat ng fake photos nila

UMALMA ang mga Star Magic artists na sina Sue Ramirez at Maris Racal sa mga nagpapakalat ng malisyosong edited photos nila na tila pinapalabas na pareho silang hubo’t hubad sa mga larawan.

“There’s an edited photo of Sue and I spreading online. Kung sino man ang nag edit nun, wala kang utak. Itigil na ang pambabababoy ng katawan ng mga babae. Pagaari namin ‘to. 2021 na, manyak ka pa rin? Magbago na.” pahayag ni Maris sa pamamagitan ng kanyang Twitter account.

Sue Ramirez at Maris Racal umalma sa nagpapakalat ng fake photos nila
Maris Racal and Sue Ramirez

Ni-repost naman ni Sue Ramirez sa kanyang Instagram account ang original duo pic nila ng kaibigang si Maris na kuha sa isang resort noong 2019 pa. Parehong nakabikini ang dalawa habang nagsu-sunbathing like any other girls spending some time in a resort would do.

“Repost ko lang ulit ‘tong mga picture na ‘to para hindi kayo natatanga sa fake news. Ewan ko ba kung anong dahilan at pinuputakte niyo kami ng ganito.”

“’Wag ko lang mahanap ang nagpapakalat ng kung ano-anong katarantaduhan na to. Ayoko na sanang magsalita pero ginagambala niyo ang katahimikan ng buhay ko. Umayos kayo.”

“At ‘wag tanga pls. ‘Wag basta bastang naniniwala sa mga nakikita online. Hindi kayo pinalaking uto uto. Pls lang. Sumosobra na kayo. Sa mga nakakatanggap ng picture, siguro naman may delikadesa at respeto kayo enough to know na dapat hindi na kumalat pa ang pambababoy na ito,”

“Nakakadiri ka. Sa lahat ng nagshare neto at sa demonyo sa lupa na gumawa at nag edit ng kababuyan na to, nakakatawa ba to para sainyo?!” halatang nanggagalaiti sa galit na pahayag ni Sue Ramirez.

Umapela rin ito sa kanyang followers na tumulong sa paghahanap ng culprit ng malisyosong larawang ito.

“Nakikiusap ako sa inyo. Tulungan niyo ako na matapos na ang kulturang ito. Kulturang bumababoy sa mga kababaihan. Kulturang mapanira. Kulturang kasuklam-suklam.”

“This can happen to anyone. Sa nakakaalam kung san nagsimula ito, pls contact me through DM. Help me get to the bottom of this.

“Hindi na tama ito. Masyado na kayong nawiwili sa mga panggagago niyo sa ‘min. Ayoko nang manahimik. Abusado kayo.”

Sue Ramirez at Maris Racal umalma sa nagpapakalat ng fake photos nila
Star Magic’s statement on Sue Ramirez and Maris Racal’s fake photos

Nagbigay na rin ng pahayag ang Star Magic bilang suporta sa kanilang homegrown talents at pangkondena sa mga malilisyosong taong nagpapakalat ng fake photos ng dalawang dalaga.