Sue Ramirez, aminadong lumalabas sila ni Joao Constancia: “Lumalabas kami pero no pressure. Kalma lang!”

ADVERTISING

Sue Ramirez, aminadong lumalabas sila ni Joao Constancia: "Lumalabas kami pero no pressure. Kalma lang!"

Sue Ramirez, aminadong lumalabas sila ni Joao Constancia: "Lumalabas kami pero no pressure. Kalma lang!"
Sue Ramirez

BONGGA at dumating na rin ang break na matagal nang hinihintay ni Sue Ramirez sa kanyang career.

 
Matiyaga siya na kahit anong roles ay oks sa dalaga na gampanan at ang recent nga ay itong sa teleseryeng La Luna Sangre.
 
“My formula is work hard,” sabi ni Sue.
 
Kaya nga kahit madaming mga boy na aali-aligid sa kanya ngayon na nagpapahiwatig ng pag-ibig, tila wala sa top priority ng dalaga na pagtuunan ng pansin ang kanyang lovelife.
 
“Work po muna,” sabi niya tungkol sa usaping nito.
 
Pero iba na ang panahon ngayon. Iba na ang mga millennials na keri nila pagsabayin ang kanilang mga careers at pabonggahin ito para maabot nila ang kanilang mga pangarap na on the side ay may mga inspiration sila.
 
Sa kaso ni Sue, aminado siya na ang member ng Boyband.PH na si Joao Constansia ang isa sa mga masusugid niyang tagahanga (on and off camera).
 
Si Joao ay matiyaga. Masugid na manliligaw niya pero wala pa silang relasyon. Hindi pa sila committed sa isa’t isa.
 
Pero pag-amin ni Sue sa press launch sa kanyang biggest break sa suspense-horror movie na ”The Debutantes”, ay lumalabas sila. In short nagde-date sila. They go out but they are not in a relationship.
 
“Lumalabas kami pero no pressure… kalma lang. Alam naman namin ang priorities namin,” sabi ng dalaga who plays Kate sa pelikula na dahil sa pagiging friendless at weird-looking na estudyante, naging focus siya ng kantiyaw ng tatlo pa sa mga girls na sina Jane de Leon (Jenny); Michelle Vito (Candice); and Chanel Morales (Shayne) na dahil sa kakaiba siya, palagi siya binu-bully ng mga ito bukod tangi kay Miles Ocampo (Lara) na naging malapit sa kanya.
 
Sue Ramirez, aminadong lumalabas sila ni Joao Constancia: "Lumalabas kami pero no pressure. Kalma lang!"
The Cast of The Debutantes Jane de Leon, Michelle Vito, Sue Ramirez, Miles Ocampo and Chanel Morales
 
Diskription ng dalaga sa binata: “Mabait po siya sobra, very caring siya at pursigido siya sa mga ginagawa niya. We’re getting to know each other. Ako, I like to take things slow with everything sa buhay ko. I’ve discovered that he’s very smart and he loves his family very much,” sabi ng dalaga.
 
Sa ganitong mga magagandang pananalita ng dalaga sa binata ay malamang sa hindi ay sasagutin ni Sue si Joao ng kanyang matamis na na “Oo”.
 
Cue na ito para sa binata. Konting tiyaga na lang basta tuloy-tuloy lang ang panunuyo.
 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING