SUCCESSFUL: Premiere night ng ‘Woke Up Like This’, dinumog ng fans!

ADVERTISING

SUCCESSFUL: Premiere night ng 'Woke Up Like This', dinumog ng fans!

SUCCESSFUL: Premiere night ng 'Woke Up Like This', dinumog ng fans!
Vhong Navarro and Lovi Poe

SUPER SRO ang nakaraang red carpet premiere ng pelikulang “Woke Up Like This” kagabi, Lunes, August 22 na isinagawa sa SM Megamall.

 

Star studded ang event kagabu lalo pa’t suportado ng ibang mga artista ng Regal Films (kahit hindi sila kasama sa cast ng movie) ang kaganapan to give support kina Vhong Navarro at Lovi Poe.         
 

Laugh trip kami sa napanood. Happy ang movie ni Direk Joel Ferrer. Pampa-good vibes na tama lang naman na sa kaguluhan at kaliwa’t kanang patayan sa bansa natin, we need a break for a change.

SUCCESSFUL: Premiere night ng 'Woke Up Like This', dinumog ng fans!
Roselle and Mother Lily Monteverde with Coleen Garcia and Billy Crawford
 
I did not expect na may timing si Lovi Poe pagdating sa comedy. Natural na natural na kapag nagsawa na siya sa sexy-drama ang genre ng movie na gagawin niya, she can shift to comedy. Seksing Kikay si Lovi.
 

Si Vhong naman hataw. Kamado na ang pagpapatawa. Ang audience kanina ay hagalpakan ng tawa.

ADVERTISING
SUCCESSFUL: Premiere night ng 'Woke Up Like This', dinumog ng fans!
Janella Salvador
 
Every scene magaling naman si Vhong pagdating sa comedy at napatunayan niya na hindi pa rin napupurol ang pagpapatawa niya simula sa pagiging Mr. Suave niya noon.
Suportado ang “Woke Up Like This” preem nina Cora Waddell, Dionne Monsato, Yana Asistio, Raikko Matteo , Bayani Agbayani at Tsong Joey Marquez.
 

Spotted din sa premiere night sina Direk Chito Roño, Janella Salvador, #Hashtags, Christian Bables, Coleen Garcia & Billy Crawford, McCoy de Leon at marami pa etc.

Sa Wednesday, August 23 na ang showing ng ”WULT” sa mga sinehan nationwide.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING