Still languishing from his break-up with Rhian Ramos: Mo Twister flies abroad!

ADVERTISING

Still languishing from his break-up with Rhian Ramos: Mo Twister flies abroad!

Still languishing from his break-up with Rhian Ramos: Mo Twister flies abroad! SA KARATE SESSIONS pala nagka-kilala sina Jennylyn Mercado at Luis Manzano.
Sabi ng aming impormante, parehong naka-enroll sa jujitsu class sina Jennylyn at Luis at ito ang naging daan para sila ay magkakilala. Hanggang sa naging magkaibigan nga sila.
Lately, nali-link ang dalawa sa isa’t isa. Unang lumabas ang tsikang magdyowa na sila nang makita silang sabay na naggo-grocery sa Taguig. Sweet nga raw ang dalawa, bagay na napansin daw ng mga tao roon.
Pangalawang sighting sa kanila ay noong Holy Week sa Boracay. Kasama ni Jen ang kanyang anak at buong pamilya sa popular resort destination nang makita silang magkausap ni Luis.
Siyempre, nag-one-plus-one kaagad ang mga nakakita at binigyan ng kahulugan ang pagsasama ng dalawa.
Actually, hindi naman sabay na nagpunta sina Jen at Luis sa Boracay. Nauna si Jen ng mga ilang araw. Hindi rin naman nila plinano na magkita roon. Basta nakita na lang nila ang isa’t isa at hindi nila siyempre kayang isnabin ang
isa’t isa.

ADVERTISING

Nakakaloka nga ang tsismis na ginagamit lang ni Jen si Luis para magkaroon ng publicity. Nakakatawa naman ‘yon. Parang wala naman sa lugar. It doesn’t make sense na gagamitin ni Jen si Luis.
Kaya lang, mukhang nakasama ang tagpong iyon dahil natsismis nga sila na magdyowa na.
Still on Jen, inamin ni Dennis Trillo na tinext niya at binati ng happy birthday and aktres pero hindi naman nag-reply ang Kapuso star.  Hanggang   ngayon kasi ay may galit pa sa puso ni Jen.
Birth month din ni Dennis this May and we’re pretty sure na hindi siya babatiin ni Jen. Wanna bet?
IN PAIN PA rin si Mo Twister sa nangyari sa kanila ni Rhian Ramos. And the best solution he’s come up with is umalis muna ng bansa.
“i wont be on radio either tomorrow as i’ll leave the country for a bit. i guess il pack now. flight is later,” tweet ni Mo last Wednesday. Hindi naman niya sinabi kung saang bansa siya pupunta.
Nagpaalam din siya sa Podcast viewers niya. “im sorry there was no Podcast tonight, neither will there be for the rest of the week,” aniya sa Twitter.
“my life was shattered today. how do i begin to get it back, what can even be retrieved. everything i knew was wrong. i have to go now,” say pa ni Mo sa isang tweet.
Well Mo, dapat nga sigurong magbakasyon ka muna, mag-recharge para makapag-isip nang mabuti.
BLIND ITEM: HOW true na nagmaldita ang isang singer nang mag-show ito abroad? Sa isang fan page ng isang sikat na TV personality ikinuwento ng isang Filipina dancer ang kanyang pagkadismaya sa female singer dahil nagpakita raw ito ng kamalditahan.
Ang claim ng dancer, tinarayan daw sila ng singer at sinabihang kung hindi sila aalis ng stage ay uuwi na lang daw sila. Nang abutan pa raw ito ng bulaklak ng isang bata ay ni hindi man lang ito nagpasalamat. At parang diring-diri daw ito
sa Pinoy fans na pumalibot sa kanya noong mag-show siya.
Parang hindi naman ganito ang female singer. Sweet na sweet nga ang image niya at hindi makabasag-pinggan kaya parang ang hirap paniwalaan ng ganitong kuwento.
O baka naman pagod na siya o kaya ay wala sa mood? Ano sa palagay n’yo?
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING