Startalk, mamamaalam na sa ere makalipas ang 20 taon

ADVERTISING

Startalk, mamamaalam na sa ere makalipas ang 20 taon

StartalkSA MGA tumangkilik ng Startalk sa loob nang halos 20 taon, bukas na ang pamamaalam nito sa ere.

ADVERTISING

Bagama’t kapos nang isang buwan before it turns exactly 20, keri na rin ‘yon. Pasok pa rin ang tema ng finale episode nito kung saan true to its image ay walang takot na sasagutin ng Startalk ang 20 tanong tungkol sa mga hosts nito, mga kontrobersiyal na personalidad, at mga napapanahong paksa sa showbiz.

Sa ngalan ng iba pang bumubuo ng malikhaing pangkat ng Startalk, nais naming magpasalamat sa mga original hosts nitong si Boy Abunda, Kris Aquino, at Lolit Solis. Sinundan ni Dawn Zulueta. And later, si Rosanna Roces.

Nawala si Kuya Boy, pumalit si Butch Francisco. Nawala si Osang, nagkaroon ng Lorna Tolentino. Nadagdag pa si Joey de Leon. Nakasama rin si Ricky Lo.

ADVERTISING

Dahil sa kanyang kakaibang Kiss Me rendition, nakasama si Alyssa Alano. Hanggang binuo na ito kasama si Heart Evangelista.

Startalk bids farewell with Lolit, Joey, Butch, Ricky, and Heart; along with the creative staff who have stood by it.

Maraming salamat sa inyong pagtutok sa pinakamatagal na showbiz talk show sa bansa. A program this writer will always be proud of dahil hindi lahat ng programa of the same genre ay may wawa at tapang tulad ng Startalk.

 

MACHO. ASTIG. Panlabas na katangian lang pala ito ni Jingo dahil isa pala siyang “ipis-phobic”. Nang may may lumipad kasing ipis sa kwarto, kumaripas siya ng takbo at iniwan sina Majay at PJ.

Umalis si Majay at PJ dahil gusto nilang magpalamig. Inis pa rin kasi si Majay sa pagtakbo ni Jingo sa ipis. Magbalik kaya ang tiwala ni Majay kay Jingo?

Meanwhile, may sakit naman si Natalia but wait, why the concern on Bernie’s face samntalang pekeng asawa naman siya? Pinakain ng soup at pinainom ng juice. Nai-in love na ba si Bernie kay Natalia?

Pinaghigpitan naman ni Bobong sina Yumi at Ethan. Feeling Lola Nidora lang ang peg. Ano kayang kapalaran awaits the two?

Sina Yakki at Krippy daw ang gagawing tulay ni Ethan para kay Yumi. Magtagumpay naman kaya ang dalawa?

Samantala may negosyo si Mama A: rent a transport. Umarkila siya ng sasakyan at ipaaaarkila naman niya ito sa kumare niya sa Bulacan. Ihahatid dapat ni Lance ang kumare sa airport pero sa tindi ng traffic, will Lance make it? Kumita kaya si Mama A sa bagong negosyo o abonado pa?

Find out the answers this Sunday sa episode na “Ismol Family & The Flying Ipis” sa Ismol Family on GMA.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING