Starstruck Ultimate Female Survivors: Where Are They Now? (Part 2)

ADVERTISING

Starstruck Ultimate Female Survivors: Where Are They Now? (Part 2)

NOONG NAKARAANG Biyernes ay inilathala rito sa Pinoy Parazzi ang sinapit ng Starstruck Ultimate Female Survivors na sina Jennylyn Mercado at Ryza Cenon ng Batch 1 and 2 respectively. Now, let’s proceed to three more lovely ladies namely Jackie Rice, Jewel Mische and Sarah Lahbati. Are you ready?
Jackie-RiceJACKIE RICE – Marami ang nagsasabi na ang girls ng Starstruck Batch 3 ang pinaka-kontrobersyal dahil samu’t saring tsismis agad ang kanilang kinasangkutan kahit ongoing pa ang palabas. Palaban sila hindi lang sa contest proper, kundi maging sa pagandahan.
Si Jackie Rice ang hinirang na Ultimate Female Survivor, although mas tumatak sa viewers noon ang pagiging fighter ni Iwa Moto. Some were even doubting why Jackie won dahil very ‘soft and safe’ daw nito, pero sa tingin ko ay ‘yun din ang dahilan kung bakit siya nag-stand out sa grupo.
There were rumors of suspension and being unprofessional sa first year ni Jackie sa showbiz. Ang mga projects na supposedly ay sa kanya dapat mapunta ay sinalo ng rival niyang si Iwa Moto. Siguro’y nauntog sa pader, natauhan ang dalaga and she decided to move on and step up her game.
Ang pag-pose ng sexy ni Jackie Rice para sa Maxim ang unang hudyat ng kanyang pagiging daring. Simula noon ay nabigyan na rin siya ng lead roles like Ilumina, kung saan siya ang evil twin ni Rhian Ramos.
Then she swam her way to the top with her first afternoon series ‘Sisid’. Since then, naging staple na siya ng Kapuso with Kasalanan Bang Ibigin Ka, Bukod Kang Pinagpala at Innamorata, kung saan nag-stand out siya sa bida-kontrabida niyang papel bilang Gina.
Starstruck days pa lang ay nakitaan na siya ng talent sa comedy. No wonder isa siya ngayon sa sexy mainstays ng Bubble Gang. She also finished her first indie film entitled ‘KamKam’.
Jackie Rice is on the right track right now. Kami nga ay nagtataka kung bakit until now, hindi pa siya nagkakaroon ng mainstream movie na siya ang bida. Paging Mother Lily!

Jewel-MischeJEWEL MISCHE – Ang pagiging hawig nito kay KC Concepcion ang unang napansin ng Starstruck fans, which became a good way para maging markado siya sa viewers. Later on ay ipinakita nito ang kanyang determination para manalo sa contest. She may not be the best in some of the tasks, but with hard work, Jewel Mische was declared as the Ultimate Sweetheart ng Starstruck Batch 4 beating Kris Bernal and Rich Asuncion.
Nag-elevate agad ang status ni Jewel Mische from a newbie to a leading lady nang siya ang pinili bilang kapares ni Richard Gutierrez sa Kamandag, More projects were given to her afterwards, pero naging ‘LuLi’ ito (lulubong-lilitaw). Some were saying na its because her studies became a priority as she’s geared to become a pilot. May mga nagsasabi naman na hindi ito masyadong kumukuha ng kilig projects dahil secret girlfriend daw ito ni Richard Gutierrez.
Dahil bihira nang lumabas sa telebisyon, naungusan siya ni Kris Bernal in terms of popularity.
By 2010 ay lumipat ito ng network. Nakipag-usap ito nang maayos sa GMA-7 to end her contract, which was a good process as far as her image is concerned (unlike her male counterpart Aljur Abrenica na ipina-press pa ang pagsampa ng kaso laban sa mother network). With her move to the Kapamilya Network, she was once again paired with Paulo Avelino sa May Bukas Pa. Nakapares din niya sina Gerald Anderson at Enchong Dee.
Huling napanood si Jewel Mische sa Precious Heart Romances presents Paraiso with Matteo Guidicelli and Jessy Mendiola. Kahit kami ay nagtataka kung nasaan ito ngayon. Probably she’s busy flying planes and being awesome offcam!
Sarah-LahbatiSARAH LAHBATI – When Sarah first appeared on Starstruck Season 5, marami agad ang nagsabing siya ang mananalo.
Aside from her pretty face and towering height, she is also a talented one. She can sing, dance and act! At the early part of her career, she already possessed the sexiness with no efforts at all. No wonder naging regular ito sa Party Pilipinas at may mga endorsements agad na ipinagkatiwala sa kanya.
Hindi nagtagal ay binigyan ito ng title role via the afternoon series ‘Kokak’ with TJ Trinidad. Naging primetime sweetheart din ito through ‘Makapiling Kang Muli’, kung saan sila unang nagkakilala at nagka-develop-an ni Richard Gutierrez.
She was even launched in a sexy-drama by Regal Films entitled ‘Seduction’. Kahit 18 years old pa lang ito nang gawin ang pelikula, hindi siya nagpatalo kay Solenn Heussaff pagdating sa pakikipag-love scene with Richard Gutierrez. Malakas ang dating nito sa big screen to be honest.
Sarah Lahbati is definitely one of the most controversial stars of 2013 dahil sa away nila noon ng GMA-7 when she suddenly left the country and tweeted stuff she later on regret doing. This year lang nito inamin via the TV show ‘It Takes Gutz to be a Gutierrez’ na may cute little baby boy na pala sila ni Chard named Zion.
Dahil may ibubuga naman talaga siya, she’s a mainstay now of Sunday All Stars while waiting for a teleserye. Mukhang hindi naman ito nagmamadali since si Baby Zion ang kanyang priority.
There you have it, Starstruck Fans! Sino kina Jennylyn, Ryza, Jackie, Jewel at Sarah ang pinaka-paborito ninyo?

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

ADVERTISING