Starstruck finalists, nagkaka-personalan na! – Mell Navarro

ADVERTISING

Starstruck finalists, nagkaka-personalan na! - Mell NavarroStarstruck finalists, nagkaka-personalan na! - Mell NavarroNASULAT NA NAMIN dito last Monday na nanghinayang kami sa pagkaka-tsugi ng dalawa sa may pinaka-promising maging “stars” in its truest sense sa Starstruck V – sina Princess Snell and Pierro Vergara, na for us ay talagang may magagandang “face value” kesa sa ilang mga natira.

Last Sunday, muntik namang maligwak ang dalawa pang the same level ng kaguwapuhan at kagandahan sa nasabing artista search ng GMA 7 – sina Rocco Nacino and Sara Lahbati.

ADVERTISING

Kung hindi pa ginamit ng StarStruck Council (Iza Calzado, Lolit Solis, Direk Freddie Santos) ang Factor 2, kung saan may power silang suspendihin ang elimination (na one time lang nila puwedeng gamitin sa show), eh, na-eliminate na sina Rocco and Sarah.

Sa aming opinion, nagkaka-personalan kasi ang mga Starstruck V finalists sa 20% na boto nila upang ma-eliminate ang mga kalaban. Siyempre, kung “malakas” ang mga guwapo’t maganda, malaking threat ito sa mga natitira, kaya ibinoboto nila upang ma-tsugi. 60% lang ang boto ng taumbayan at 20% from the Council.

In the past Starstruck editions, naging avenger rin lang (hindi winners) si Megan Young na ngayon ay inaalagaan na ng ABS-CBN. Gandang-ganda rin kami kay Megan nu’ng panahon niya sa GMA, pero hindi ito napansin at pinabayaan na lang.

ADVERTISING

Sa Pinoy Big Brother ng Dos ngayon, napapansin na rin si Johan Santos na dati ring from Starstruck. May luck factor din siyempre sa pagsali sa mga competitions like this, pero nu’ng nasa Siyete pa si Johan, ‘di rin siya naalagaan ng GMA Artist Center, huh!

So, sana lang ay ‘wag nang maulit pa sa Starstruck edition ngayon na kung sino pa ang deserving at future potential stars, eh, mapabayaang matalo at ang magwagi pa ay mga so-so o mediocre lang ang “itsu”.  Kung may attitude man, magagawan ng paraan ‘yan in the future, pero ang face value ay forever, ‘noh! Sayang sina Princess and Piero!

PARA SA MGA barakong nagpapantasya kay Angel Locsin, aba, malapit na nilang masilayan ang kaseksihan ng aktres sa bago nitong teleserye, ang Agua Bendita sa Kapamilya station pa rin.

Maraming swimming pool scenes si Angel, and lagi itong naka-sexy bikini outfit siyempre, or ‘yung sexy costume nito. Kasama rin sa new teleserye sina Jason Abalos, Matteo Guidicelli, at Andi Eigenmann.

What happens now kaya sa unang napabalitang gagawin ni Angel, ‘yung Kokey @ Ako with Vhong Navarro na pambatang TV show? Mukhang shelved muna ba ito or uunahin lang ang Agua Bendita, dahil mukhang ‘di rin right project ang Kokey @ Ako for someone as sexy as Angel?

Samantala, sa lovelife ay blooming pa rin si Angel dahil balitang nakikipag-balikan itong si Luis Manzano sa aktres. Ito namang si Efren Peñaflorida ay seryoso rin sa kanyang intensiyong ligawan si Angel, at kinausap na nga raw nito ang ama ni Angel, huh!
Good sport at gentleman rin si Luis kung totoo mang umakyat na ng bahay ni Angel si Efren upang manligaw. Talbog!
For feedback and comments, email us at mell_navarro@yahoo.com.ph

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

ADVERTISING