Stars in Love

SARAH GERONIMO AND MATTEO GUIDICELLI

Matteo-Guidicelli-Sarah-Geronimo

 SA WAKAS ay nagkaroon na rin ng lovelife and Popstar Princess na si Sarah Geronimo. Noong una’y hindi pa maamin ng dalaga ang kanilang relasyon ni Matteo Guidicelli pero kinalauna’y lumantad na rin ang dalawa. May mga isyu pa ngang nag-hunger strike ang singer dahil daw sa away nila ng kanyang Mommy Divine dahil sa hindi pagpayag nitong sumama sa lakad nila ng dyowa. Naging tahimik naman at pribado ang relasyon ng dalawa.

COLEEN GARCIA & BILLY CRAWFORD

Billy-Crawford-Coleen-Garcia

 MARAMI ANG nalungkot sa hiwalayang Nikki Gil at Billy Crawford kaya’t idinawit dito ang kasamahang host ni Billy sa It’s Showtime na si Coleen Garcia. Noong una’y pinagtanggol ni Billy si Coleen sa mga bashers at nilinaw na wala itong kasalanan sa hiwalayan nila ni Nikki. Nang makapagpahinga ang isyung hiwalayan ay napabalita namang nililigawan ni Billy si Coleen dahil sa panunukso nito sa kanilang noontime show, hanggang sa tuluyan nang inamin ng dalawa ang kanilang relasyon na hindi naging hadlang ang sampung taong agwat sa edad para sila’y magmahalan.

ANGEL LOCSIN AND LUIS MANZANO

Luis-Manzano-Angel-Locsin

 NAGKABALIKAN NAMAN matapos maghiwalay sina Luis Manzano at Angel Locsin, Matapos makipaghiwalay kin Jennylyn Mercado at Phil Younghusband. Hindi naman na nanibago ang dalawa sa kanilang muling pagsasama at katunayan pa nga’y nagpaplano na raw silang magpakasal. Botong-boto naman ang ina ni Luis na si Gov. Vi sa relasyon ng dalawa at nakatakda rin silang gumawa ng pelikula ni Angel. Hindi pa rin sinasabi ng magkasintahan kung kailan sila magpapakasal, pero kung sakali man ay nais nilang sa Batangas ito ganapin.

Text By Erryell Valmonte

Photos by Fernan Sucalit and Parazz WIres