Star Magic winarningan ang bashers ng mga anak ng kanilang artists

Leo Bukas

NABABAHALA ang talent management arm ng ABS-CBN na Star Magic sa pambu-bully na may kasama pang pagbabanta sa mga anak ng kanilang mga talents.

Wala mang binanggit na pangalan ang Star Magic sa inilabas nilang official statement tungkol, pero pinaniniwalaang para ito sa mga panlalait na natanggap ng anak nina Janella Salvador at Markus Paterson mula sa mga walang awang bashers.

Star Magic winarningan ang bashers ng mga anak ng kanilang artists
Markus Paterson and Janella Salvador with Baby Jude Trevor

Bukod pa riyan, tila pagbabanta na rin ang inilabas na pahayag ng Star Magic sa nagpadala ng death threat sa baby ng Kapamilya actor na si Carlo Aquino.

“Ang Star Magic ay lubos na nababahala sa pamba-bash at pagbabanta sa mga anak ng aming mga artista sa social media. Ang ganitong uri ng mga post ay iresponsable, walang puso, at nakakapanakit lamang sa mga kapwa.

“Kasama kami sa aming artist sa pagtawag ng pansin sa mga posibleng paglabag sa mga batas laban sa child abuse (Republic Act 7610) at sa libel ng mga indibidwal ba ito.

“Hindi kami mga-aatubiling magsagawa ng legal na aksyon upang mabigyan ng leksyon para sa sakit at trauma na kanilang idinulot,” ang nilalaman ng official statement ng Star Magic.

Kamakailan lang ay sinagot ni Janella ang posts ng mga netizens na tila nilalait ang anak nila ni Markus.

“Your humor must be really fu**ed up to make fun of a baby. I can take all the bashing in the world directed at me with grace, but direct it at my innocent son and you’ll definitely hear from me,” ani Janella sa kanyang tweet.

Star Magic winarningan ang bashers ng mga anak ng kanilang artists
Baby Jude Trevor Paterson | Markus Paterson and Janella Salvador

“Let’s be honest. I’m no stranger to bashing. But come for my son and I will come for you. People like this make me sick, wala pang isang taon anak ko and ya’ll making fun of a NEWBORN. Not gonna erase names, proud niyo eh.

“For the people in this post, I have no words other than I hope you someday find the happiness you need to fulfill that hole in your hearts. Maybe one day I can check on you all since I have your names,” pagbabanta naman ni Markus.