SRR cancelled for Marian Rivera’s horror film, ‘Nieves’

ADVERTISING

SRR cancelled for Marian Rivera's horror film, 'Nieves'

ISNABAN PA RIN ang drama nina Rufa Mae Quinto at Mo Twister.

ADVERTISING

Naaliw naman kami na last Sunday’s Showbiz Central, hindi nagkatabi at hindi nag-usap sina Rufa Mae and Mo kahit for the sake of arts man lang, hehehe! Hitsurang masama pa rin ang loob ni Rufa Mae kay Mo dahil na nga sa Vicki Belo interview na ginawa ni Mo kung saan nadamay na naman si Rufa Mae. Panaka-nakang nagpapatutsada si Rufa Mae sa co-host niya at nginingitian na lang siya ni Mo.

Right after Showbiz Central, nag-post-show meeting sila at kahit doon daw, hindi nag-uusap ang dalawa. Balitang humingi na ng apology si Mo kay Rufa Mae pero hindi niya ito tinanggap. Magtatagal ang dedmahang ito. Kasi next Sunday, wala na naman si Rufa Mae, out of the country na naman. Oo nga pala, tama ang hinala ni Raymond Gutierrez, ang isa pa nilang co-host sa Showbiz Central. Ambush lang daw ang naging interview ng The Buzz kay Rufa Mae.

At hindi niya alam na for the competing show pala ito ipalalabas.

ADVERTISING

ETSA-PUWERA MUNA ANG ibang episodes ng Shake, Rattle & Roll para kay ‘Nieves.’

May nakapagkuwento na sa amin kung ano ang balak i-field ng Regal Films this MMFF-P 2009. Una, ang pagbabalik ng Mano Po. Straight drama ang magiging sixth installation ng said Chinese epic. Sa mga naghahanap naman ng SRR, mayroon pa rin technically dahil ang second entry ng Regal, ang Nieves. Sa mga nakapanood ng SRR 10 last year, this is the most entertaining episode of the three. It stars Marian Rivera in the role na para kay Eugene Domingo sana.

Gagawing full-length ang Nieves for this year at si Marian pa rin ang magbibida. Iisa ang ibig sabihin nito, hanggang December, high profile pa rin ang bida ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. In fact, ang isa pang Regal Films movie this year ang pagsasamahan nina Marian at Dennis Trillo na horror movie. So sa mga detractors ni Marian, sorry pero dire-diretso pa rin ang kasikatan niya.

Imagine tatangalin ang SRR in favor of a Marian solo?

MADALING MALAMAN KUNG sina JC De Vera at Rhian Ramos na.
May bago na namang endorsement si Rhian, this time for Soda na nagsi-celebrate din ng twentieth year in the business. Si Rhian ang first celebrity endorser ng Soda’s line of scents and fragrances. Sexy si Rhian sa poster niya for Soda kaso half-body lang, kaya hindi namin alam kung ano ang suot niya.

Kaya kami interesado dahil gusto naming makita kung naka-shorts si Rhian. Bakit? Ayaw kasi ni JC na nagsu-shorts ang girlfriend niya, so kung hindi na natin makikita ang dalaga in shorts, it means sila na. To think na hindi na sila ang magka-partner, ha? Rhian is now Richard Gutierrez’ leading lady sa Zorro habang si Heart Evangelista na ang next partner ni JC.

Yet, sila pa rin ang natsi-tsismis, so baka magiging sila na.

Merese
by Dinno Erece

ADVERTISING