SPEEDS’ EDDYS AWARD, kakabugin ang ibang award-giving bodies!

ADVERTISING

SPEEDS’ EDDYS AWARD, kakabugin ang ibang award-giving bodies!

SPEEDS’ EDDYS AWARD, kakabugin ang ibang award-giving bodies!
Ruffa Gutierrez, Rhian Ramos, Raymond Gutierrez and Tim Yap

SA DARATING na Monday, July 9 na ang inaabangan na EDDYS Award na sa pangalawang pagkakataon ay magbibigay ng parangal ang grupong SPEEDS’s na binubuo ng mga entertainment editors.

Gagawin ang paggawad ng parangal sa The Theater at Solaire at 7:00PM.

Bongga ang SPEED dahil bukod sa TV coverage ay may radio coverage din ang kaganapan with Wish FM na magko-cover ng event.

Host sa prestigious event na ito ang magkapatid na sina Ruffa at Raymond Gutierrez.

ADVERTISING

Sa red carpet, sina Rhian Ramos at sosyaling Tim Yap naman ang mga anchors.

Mga guests sa gabing yun na magpe-perform ay ang rapper na si Abra (nominated for the film Respeto as Best Actor); ang mga biritera na si Morissette Amon at Bituin Escalante; ang Wishful 5 na nanalo sa pa-contest ng Wish FM at si Noel Cabangon.

Mga special awardees naman sa gabing yun na paparangalanan ay ang namayapa na si Mario Hernando ng Joe Quirino Award (posthumous); Ricky Lo of The Philippine Star para sa Manny Pichel Award; at Vic del Rosario as Producer of the Year Award.

 Bibigyan din ng SPEED ng Rising Producers Circle Award sina Roselle Monteverde of Regal Entertainment at Veronique del Rosario of Viva Films.

Special Icon awardees naman sina Eddie Garcia, Gloria Romero, Susan Roces, Nora Aunor, Charo Santos-Concio at Maricel Soriano sa gabing yun.

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING