SPECIAL AND PROUD: Juancho Trivino, matapang sa paghayag ng nararamdaman kay Maine Mendoza!

ADVERTISING
SPECIAL AND PROUD: Juancho Trivino, matapang sa paghayag ng nararamdaman kay Maine Mendoza!
Juancho Trivino and Maine Mendoza

KUNG ang ibang lalaking naiuugnay kay Maine Mendoza ay todo iwas o deny tuwing tinatanong sila about their special friendship with the Phenomenal Star, ibahin ninyo si Juancho Trivino.

Nasanay na kasi tayo na umaatras o tumitiklop ang mga lalaking napapalapit kay Maine. Well, hindi naman natin sila masisisi dahil ang ibang fans na possessive ay beast mode kung makapagkuyog sa mga boys na napapalapit sa kanilang iniidolo. Ang gusto nila, si Alden lang forever ang dapat na dumikit kay Maine.

ADVERTISING

Anong magagawa natin kung hanggang onscreen na lang talaga sina Alden at Maine? Unfair naman sa kanilang dalawa kung pipigilan natin silang makipagkaibigan o ka-ibigan sa iba.

Nasa Dagupan City si Juancho with his Inday Will Always Love You cast mates noong april 30 para sa Bangus Festival. Sa isang panayam ay medyo tipid o halatang naiilang si Juancho nang tanungin sa kanya si Maine. Sincerely ay sinabi ng binata na “Yeah, she’s special”.

Napakasuwerte ni Maine dahil nakahanap siya ng mga tunay na kaibigan sa showbiz world. Hindi rin biro ang napaka-fast track na pagsikat ng dalaga kaya mahirap din talaga kilatisin kung ang taong kasalamuha ba ay sincere o hindi.

ADVERTISING

Sa kaso nina Juancho, Maine at Sheena Halili, mukhang pang-forever na ang kanilang pagkakaibigan.

Hindi rin kami sure pero last year ay may nasisilip kami na kasintahan ni Juancho. We’re not sure kung sila pa noong non-showbiz girlfriend niya.

Well, on TV ay kay Barbie Forteza naman ipapares ang binata kaya chill lang sana ang AlDub fans, huh!

ADVERTISING