South Korean entertainer Dasuri Choi proud na i-represent ang Hyundai Home Appliances

Leo Bukas

ANG SOUTH KOREAN dancer at entertainer na si Dasuri Choi ang bagong mukha ng Hyundai Home Appliances. Pormal siyang ipinakilala  bilang opisyal na endorser ng naturang brand sa isang digital mediacon na last week.

South Korean entertainer Dasuri Choi proud na i-represent ang Hyundai Home Appliances
Dasuri Choi

Nilikha ang Hyundai Home Appliances bilang bahagi ng ongoing efforts ng GTC-Aldis Philippines, Inc., ang exclusive distributor ng Hyundai Appliances dito sa Pilipinas,  upang pag-ibayuhin ang operations nito at magtatag din ng mas malakas na relasyon sa mga customers nito.

Isang world-class appliance brand mula sa South Korea at matatagpuan sa humigit na 100 bansa sa buong mundo, ang Hyundai Home Appliances ay malaking bahagi ng 40 years of global expertise ng Hyundai Corporation.

Napamahal si Dasuri Choi sa di mabilang na mga Pinoy noong siya ay sumikat matapos Manalo bilang 2nd runner-up sa top-rating segment ng Eat Bulaga na “You’re My Foreignay” back in 2014. Mula noon, siya ay naging co-host sa reality-lifestyle show ng GMA News TV na Day Off kung saan nakasama niya ang komedyanteng si Boobay at ang singer-actress na si Julie Ann San Jose.

Lumabas din siya sa September 2015 issue ng FHM Philippines. Pinasok din ni Choi ang acting at napanood siya sa ilan sa mga top-rating series ng Kapuso Network gaya ng Pepito Manaloto, My Korean Jagiya, at Inday Will Always Love You.

“As a South Korean brand, it would be perfect to have someone like Dasuri to represent our brand as she could easily relate to what our appliances stand for,” pahayag ng GTC-Aldis Philippines, Inc. COO na si Gerry Alava.

South Korean entertainer Dasuri Choi proud na i-represent ang Hyundai Home Appliances
Dasuri Choi

“Maligaya akong makita na nag-e-expand ang Hyundai sa Filipino market. Being part of Hyundai Home Appliances has been such a wonderful experience and I’m truly grateful that a global brand that gives innovative solutions has welcomed me into their family.

“Honored ako to share this brand sa aking pamilya at mga kaibigan and make them part of the Hyundai Home Appliances community,” sabi naman ni Dasuri.

“Kilalanin po ninyo ako at ang aking mga araw sa piling ng Hyundai Home Appliances – together we’ll teach everyone helpful home hacks, health tips, all things Korean, and many other amazing updates on Hyundai,” dagdag pa niya.