Sosyal at eleganteng may-edad na aktres, ibang klase ang trip sa taping ng teleserye

ADVERTISING

BLIND ITEM: Kanya-kanyang drama ang mga artista sa tuwing sisipot sa taping o shooting, but it seems that the quirkiest of all ay isang may-edad nang aktres pero sosyal at elegante ang dating.

Hindi pa man ipinapalabas ang kinabibilangang teleserye ay nakailang araw na ang taping nito. May araw na pinakamarami na ang apat na sequence, kung saan ay apat din lang ang damit na kailangang baunin ng aktres.

ADVERTISING

But not in her case. She lugs around about 26 lavish outfits na pagpipilian niya. Pero ‘eto ang OA, she wears different scents kada sequence as if maaamoy ng mga manonood ang kanyang halimuyak!

Ibang klase rin ang food trip ng aktres. Make it ten times the size of an ordinary microwave oven ang bitbit-bitbit ng kanyang yaya (at her sixty something age, may yaya pa siya?!) to reheat her food. Not only this, with her are two huge boxes na naglalaman ng pagkain.

Da who ang beteranang aktres na ito na kumakanta rin? Itago na lang natin siya sa neymsung na Ellen Balboa.

ADVERTISING

By Ronnie Carrasco III

 

ADVERTISING