SORI SA MGA HOPIA: Kris Aquino, friendship lang ang puwedeng i-offer kay Atty. Gideon Pena

ADVERTISING

SORI SA MGA HOPIA: Kris Aquino, friendship lang ang puwedeng i-offer kay Atty. Gideon Pena

SORI SA MGA HOPIA: Kris Aquino, friendship lang ang puwedeng i-offer kay Atty. Gideon Pena
Kris Aquino and Atty. Gideon Pena

KASAMA ni Kris Aquino na nanood ng red carpet premiere ng pelikula niyang I Love You Hater ang abogado from Bicol na si Atty. Gideon Pena. Nganga ang ibang nag-expect na si Mayor Herbert Bautista ang makaka-date ni Kris that night.

First time na nakita ng publiko na magkasama sina Kris at Atty. G at marami ang kinilig sa dalawa. Bagay daw sila maging lovers and they really look good together.

Kaya lang, consistent si Kris sa pagsasabing friendship lang ang puwede niyang i-offer kay Atty. Go. In fact, nag-post pa siya sa kanyang Instagram account about it.

Post ng Queen of Online World noon sa tanong kung may chance ba ang abogado kung liligawan siya nito,  “No. He is easy to love & respect. BUT i feel we are meant to remain friends.”

ADVERTISING

Nilinaw din ni Kris sa IG account niya ang isang post na hindi raw para kay Bistek kundi for Atty. G.

“Thank you…for wanting to stay, come what may…” Naka-tag pa ito kay Atty. G na kung tawagin niya ay “My Good Friend.”

Showing na ngayon ang I Love You Hater in more than 200 cinemas nationwide. Bida rin sa pelikula sina Joshua Garcia at Julia Barretto. The film is under the direction of Giselle Andres mula sa Star  Cinema.

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING