Solenn Heussaff, sasapakin ang kapatid na si Erwan Heussaff ‘pag sinaktan si Anne Curtis

ADVERTISING

Solenn Heussaff, sasapakin ang kapatid na si Erwan Heussaff ‘pag sinaktan si Anne Curtis

Solenn-HeussaffTAHASANG SINABI ni Solenn Heusaff na siya ang unang magagalit kapag sinaktan ng utol niyang lalaki si Anne Curtis. Kahit na nga raw hindi pa mag-asawa ang kapatid niyang si Erwan at Anne ay tunay na kapatid na ang turing na ni Solenn kay Anne.

Gustung-gusto ni Solenn ang ugali ni Anne at kung sasaktan daw ito ng utol niyang si Erwan, sasapakin niya ang kapatid.

Ang isa sa pinakagusto ni Solenn kay Anne ay hindi mayabang at hindi raw makikitaan na isang big star. Kaya love na love niya raw si Anne para sa utol.

Pero pinagdiinan ni Solenn na hindi muna puwedeng magpakasal sina Anne at Erwan hangga’t hindi pa siya nag-aasawa. Kailangan daw na mauna siyang mag-asawa bago ang kapatid na lalaki.

ADVERTISING

Sa ngayon, nag-e-enjoy raw sila kapag nagkakasamang magbakasyon sa ibang bansa.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING