Solenn Heussaff, sa sobrang liberated, deadma lang sa eksena nila ni Derek Ramsay

ADVERTISING

Solenn Heussaff, sa sobrang liberated, deadma lang sa eksena nila ni Derek Ramsay

Solenn Heussaff, sa sobrang liberated, deadma lang sa eksena nila ni Derek RamsayGanun naman pala ka-liberated ni Solenn Heussaff.

Naalala ko sa isang interview namin sa kanyang last year na ipinakilala niya ang sarili sa amin na she prefer’s living in with his boyfriend than getting married, which for us is ok lang. Nasa tamang edad na siya at ang kanyang exposure sa kaliwa’t kanang kultura ang siyang bumuo kung ano man siya ngayon.

Sa pagiging liberated ni Solenn Heussaff, hindi ako magtataka kung sa presscon niya ng pelikulang “Lakbay2Love” with Dennis Trillo (showing on February) ay may pahaging siya na type niya si US President Barrack Obama leading  to you know what… SEX.

Tulad ni Solenn, ang boyfriend niya na si Nico Bolzico na isang Argentinian, tila liberated din tulad ng girlfriend, dahil kahit alam niya na ex-boyfriend ni Solenn ang makapapareha nito sa pelikulang “Love is Blind”, deadma lang si Nico kay Derek Ramsay.

ADVERTISING

Sa katunayan, may kissing scenes din sina Solenn at Derek na sa pagiging liberated ng dalaga at ng boyfriend niya, ang kissing scenes ng dalawa sa pelikula, pakiwari ko’y parang buffet na anything can be eaten at i-enjoy lang ang to the max.

During the shooting of “Love is Blind”, dun lang pala talaga nagkausap ng masinsinan sina Solenn at Derek sa nangyaring hiwalayan nila noon.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING