Solenn Heussaff, sa France magpapakasal; wedding gown, sa Israel ipagagawa

ADVERTISING

Solenn Heussaff, sa France magpapakasal; wedding gown, sa Israel ipagagawa

Solenn Heussaff, sa France magpapakasal; wedding gown, sa Israel ipagagawaAyaw pang sabihin ni Solenn Heussaff kung kalian ang kasal nila ng longtime live-in partner na si Nico Bolzico.

Hindi naman nagmamaramot si Solenn Heussaff sa detalye (‘di tulad ng ibang mga showbiz celebrities natin na ikinakalakal ang kanilang wedding sa isang TV specials), limitado ang impormasyong naibabahagi lang ng dalaga sa media.

Sa presscon ng pelikula niyang “Love is Blind” with former boyfriend Derek Ramsay (showing on February 10), may konting information na ibinahagi si Solenn sa press.

Una na ay sa France magaganap ang kasalan na inaasikaso ng isang wedding coordinator-planner ang detalye, lalo na’t both future bride and groom ay dito sa ‘Pinas naka-based (Solenn is busy with her shwbiz work at si Nico naman ay busy sa kanyang business); pangalawa, ang wedding gown na isusuot ng bride ay ipinagawa niya sa isang designer from Israel.

ADVERTISING

Kung sino ang mga abay ni Solenn, malamang kabilang ang mga bestfriends niyang sina Anne Curtis, Georgina Wilson, at si Isabelle Daza, na ang tatlo ay mga witness sa pagmamahalan ng dalawa.

Pangako ni Solenn sa kanyang mga taghanga, kahit kasal na sila ni Nico, she’ll still be the sexy Solenn na nakilala ng mga fans niya lalo na ng mga kalalakihan.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING