Solenn Heussaff, payag makipaglaplapan kay Carla Abellana

ADVERTISING

Solenn Heussaff, payag makipaglaplapan kay Carla Abellana

Solenn Heussaff, payag makipaglaplapan kay Carla AbellanaNAKARATING KAY Solenn Heussaff ang sinabi ni Carla Abellana na payag itong makipaghalikan sa kapwa babae, kung ang una ang makakaeksena niya sa serye or pelikula.

Kaya naman hindi na nagpatumpik pa si Solenn at kaagad na sinabi na payag din siyang makipaglaplapan kay Carla.

Katuwiran ng sexy actress, bukod sa magaling na actress daw si Carla at napakaganda pa nito kaya payag din siyang makipaghalikan.

Pagdating sa mga daring scene, walang problema kay Solenn basta kailangan talaga sa istorya. Solenn Heussaff, payag makipaglaplapan kay Carla AbellanaHindi lang daw niya magagawa ay maghubad totally.

ADVERTISING

Hanggang daring scenes lang daw, pero walang hubaran na bubulaga na ang hubad na katawan on screen.

Samantalang happy raw si Solenn sa kapwa niya foreigner boyfriend, pero wala pa raw sa isip nilang humarap na sa altar.

Ini-enjoy raw nila ang mga masasayang araw na magkasama sila. Bata pa raw sila para pag-isipang lumagay sa tahimik.

Makakasama nga pala ni Lovi Poe si Solenn sa Akin Pa Rin Ang Bukas na siyang ipapalit sa Mundo Mo’y Akin ng GMA-7.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING