Solenn Heussaff, nakatakdang ikasal sa Argentinian fiance na si Nico Bolzico sa May 21 sa France

Solenn Heussaff, nakatakdang ikasal sa Argentinian fiance na si Nico Bolzico sa May 21 sa France

Solenn Heussaff and Nico Bolzico
Solenn Heussaff and Nico Bolzico

Ano ang naaalala ninyo kapag May 21?

Kung solid faney ka ni Nora Aunor, alam mo na kaarawan ng dating Superstar ang May 21.

Pero sa darating na May 21, 2016, isa itong importanteng araw para sa sexy na si Solenn Heussaff at Argentinian fiancé niyang si Nico Bolzico, dahil ikakasal na sila sa France.

Sa kanyang Instagram account, patingi-tingi ang mga impormasyong isine-share niya sa kanyang mga fans at followers with matching photos.

Sa isang lumang castle (almost 990 years old na Chateau de Combourg) sa Britanny, France magaganap ang kasalan.

Ang wedding gown na isusuot ni Solenn Heussaff sa kanyang kasal ay dinisenyo at ginawa ng isang Israeli fashion designer na si Lihi Hod na minsan na rin niyang naipakita sa kanyang IG account noon ang panimula ng paggawa ng isusuot niya sa araw ng kanyang kasal.

Kapag ikinasal na si Soleen, I just don’t know kung itutuloy pa rin niya ang kanyang nasimulang showbiz career or magiging plain housewife na lang siya ni Nico.

Reyted K
By RK VillaCorta