Solenn Heussaff, matindi ang tama kay John Lloyd Cruz

ADVERTISING

Solenn Heussaff, matindi ang tama kay John Lloyd Cruz

Solenn-HeussaffHINDI NA nagpaliguy-ligoy si Solenn Heusaff nang aminin na si John Lloyd Cruz ang crush niyang actor sa showbiz.

Nagkatuwaan kasi ang mag-bestfriend na sina Solenn at Isabel Daza na may babasahin silang sulat na tanong na dapat nilang sagutin nang totoo na walang halong kaplastikan.

Natoka nga kay Solenn na tanong ay kung sino sa local showbiz actor ang masasabing crush niya?

Kay Isabel naman ay natoka ang tanong na kung sino kina Michael Daez at Dingdong Dantes ang puwede niyang halikan ang kili-kili?

ADVERTISING

Humagalpak ng tawa si Solenn at pilit na sinabihan si Isabel na magsabi ng totoo.

“Kay Michael (Daez) na lang kasi naging kasama na rin naman natin siya sa ating show, ‘di ba,” sagot ni Isabel.

Samantalang siguradong kaiinggitan nina Derrick at iba pang actor si John Lloyd dahil very vocal ang mga ito na crush na crusn nila si Solenn.

Inamin pa nga ni Derrick sa isang interview na handa siyang maghubad kung si Solenn daw ang makakapareha niya sa isang serye or movie.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING