Solenn Heussaff, mas matindi raw ang issue sa BIR kumpara kay Manny Pacquiao

ADVERTISING

Solenn Heussaff, mas matindi raw ang issue sa BIR kumpara kay Manny Pacquiao

Solenn-HeussaffMAGING SI Solenn Heussaff, hindi nakaligtas hingan ng reaction sa kinasangkutang gulo ni Anne Curtis. Pero naging maingat ito sa pagbibigay ng opinion. Katuwiran nito, mas maraming isyu na dapat daw pag-usapan tulad ng kaso ni Janet Napoles at ang mga kalamidad na dinanas ng ating bansa.

Pero nang maungkat ang pinagdadaanang problema sa BIR ng Pambansang Kamao Manny Pacquiao, hindi na napigilan si Solenn na magsalita dahil pareho sila ng naging karanasan at naka-relate siya sa pinagdaraanan ngayon ni Manny.

“Ako criminal (case), siya civil lang. Ako hindi mahilig mag-check, kapag kailangan ng tseke, gagawin ko pero ngayon alam ko na. Kapag hindi ka accountant, mahirap maintindihan. Ngayon, mayroon na akong tatlong accountant. Naayos ko na lahat. Masakit sa akin ang nangyari kasi hindi ako masamang tao. At least, na-learn ko ang lesson. Very expensive lesson lang.”

Samantalang habang tumatagal, lalong kinasasabikan si Solenn makita at mapanood ng mga kalalakihan dahil aminin man o hindi, siya talaga ang Pantasya ng Bayan.

ADVERTISING

 Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING