Solenn Heussaff, kinaiinsekyuran ni Pauleen Luna?!

Solenn Heussaff, kinaiinsekyuran ni Pauleen Luna?!

Solenn Heussaff, kinaiinsekyuran ni Pauleen Luna?!

KASISIMULA PA lang nitong Luna Blanca, sangkatutak na raw ang problema sa mga artista nila?

Ang narinig ko ka-sing kuwento, ayaw na raw ng nanay ni Jillian Ward na ituloy ito dahil hindi na raw nakikilala ng mga fans ang anak niya dahil sa itim na make-up nito. Kaya parang pinag-iisipan na yatang paputiin na lang ito.

Pero nu’ng kinausap naman ng reporter namin ang ilang taga-Luna Blanca, sinabi naman nilang naayos na raw ang problema at tuloy pa rin daw si Jillian sa kanila.

Totoong nahihirapan lang daw ang bata sa itim na make-up at naiinitan na ito. Kaya ang ginagawa nila, hindi na nila minimeyk-apan ang buong katawan. Kasi mainit nga naman ‘yan at hindi pa ganu’n kataas ang tolerance ng ganu’n kabata, ‘di ba?

Sa isang squatter’s area pa sa Malabon daw ang location nito na napakainit kaya ibinibigay nila kay Jillian ang lahat para maging kumportable lang ito.

Kahit napakalamig ang aircon sa dressing room nila, mainit naman sa labas, kaya mahirap pa rin sa bata. Kaya siguro medyo paikliin na lang nila ang exposure ng bata dahil nahihirapan na nga naman ito.

Pati ang kasama nitong si Mona Louise Rey ay naiintriga na rin dahil nagpapatalbugan daw ang mga nanay nila. Sabi naman ng mga taga-Luna Blanca, pinagsama nila sa isang dressing room ang dalawang bata para magka-bonding talaga sila, kaya nag-i-enjoy lang sila sa paglalaro kapag walang take.

Siguro ang dapat bantayan, ang mga nanay nila na ayaw paawat sa patalbugan ng anak nila, ‘no!

Sila siguro ang dapat disiplinahin ng GMA-7!

 

NGAYON PA lang ay nililinaw na ni Solenn Heussaff na walang intriga sa kanila ni Pauleen Luna kapag pumasok na ito sa Eat Bulaga. Sa June 4 na kasi magsisimula si Solenn bilang bago nilang Dabarkads kaya excited na ito.

Solenn Heussaff, kinaiinsekyuran ni Pauleen Luna?!

Naiintriga na kasing tiyak na matataypan daw ito ni Vic Sotto at baka ika-insecure pa raw ni Pauleen.

Sabi naman ni Solenn, magkaibigan sila ni Pauleen at nagkausap na nga raw silang dalawa. Nangako pa nga raw si Pauleen na susuportahan niya ito.

Unfair naman kay Bossing Vic na pinangungunahan na agad na matataypan daw nito si Solenn.

Sabi ni Solenn, wala raw ganu’n siyang iniisip at higit sa lahat, may boyfriend na raw siya. Kaya sure na sure daw siya na hindi siya maiintriga sa mga ito lalo na kay Pauleen.

Nagulat na lang ang alaga ko sa mga ganu’ng intriga. Sabi nga niya, wala pa nga iniintriga na agad. Sana hayaan na lang daw dahil mas masaya kung marami nga sila sa Eat Bulaga.

Tamang-tama lang itong pagpasok ni Solenn sa Eat Bulaga dahil kainitan ng promo niya sa pelikulang Boy Pick-Up the Movie nila ni Ogie Alcasid na magsu-showing na sa June 6.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis