Solenn Heussaff is pregnant with second baby!

HAPPY ang glowing sexy momma na si Solenn Heussaff na ibalita na she and husband Nico Bolzico are expecting baby #2!

Sa pamamagitan ng Instagram ay ibinahagi ng singer/actress/model ang kanyang tiyan at nakasaad na siya ay 16 weeks pregnant.

Solenn Heussaff is pregnant with second baby!
Solenn Heussaff and Nico Bolzico

“Back to daily injections for bub number 2 :),” sambit ni Solenn.

As expected, may ibang pamamaraan din ang kanyang funny hubby na si Nico Bolzico na ianunsyo sa mundo na siya ay magiging ama muli.

Sa pamamagitan naman ng Instagram reel ay ipinakita ni Nico ang isang “new X-Ray app”. Nang itapat niya ito kay Solenn ay lumabas na may laman na baby ang tiyan niya.

“What?!” kunwaring surprised na reaksyon ni Nico.

Sure kami na ready na si Thylane na maging isang certified big sister! Siguro, ang pagbubuntis ni Solenn ang rason kung bakit namaalam na sa ere ang Saturday foodie show na Taste Buddies kung saan nagsilbing host ang aktres sa loob ng isang dekada.

Congratulations, Solenn, Nico and Thylane!

Previous articleChristine Bermas lahat ay kayang gawin at ipakita para sa trabaho
Next articleMcCoy de Leon at Elisse Joson, nagpakilig sa kanilang anniversary