Solenn Heussaff, ikinasal na sa Argentinian boyfriend na si Nico Balzico

ADVERTISING

 alt=

Solenn-Heussaff-Nico-Balzico 1 Solenn-Heussaff-Nico-Balzico Solenn-Heussaff-Anne-CurtisWalang ingay sa mundo ng showbiz ang naganap na simpleng kasal nina Solenn Heussaff at Argentinian boyfriend na si Nico Balzico kahapon, December 29, sa Argentina.

Tila pinatunayan pa ito nang lumabas ang screenshots sa Internet mula sa snapchat ni Isabelle Daza na may nakalagay na “Mr. and Mrs. Bolzico”.

Present sa napakaimportanteng okasyon sa buhay ni Solenn Heussaff ang lahat ng kanyang bestfriends na sina Isabelle, Anne Curtis, at Georgina Wilson.

Nang mag-post ng litrato si Solenn sa kanyang Instagram, suot ang isang tila wedding dress, bumuhos ang mga mensahe ng pagbati mula sa kanyang followers.

ADVERTISING

Nauna nang sinabi ni Solenn na kung magpapakasal sila ng kanyang Argentinian boyfriend, sa ibang bansa ito magaganap. Sinabi rin niya na isang simpleng seremonyas lang ang mangyayari at ayaw niyang engrandeng kasalan.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

ADVERTISING