Solenn Heussaff, “celebration of union” daw at ‘di kasal ang naganap sa Argentina

ADVERTISING

Solenn Heussaff, "celebration of union" daw at 'di kasal ang naganap sa Argentina

Solenn-HeussaffBigal akong  nalito nang sabihin ni Solenn Heussaff na hind siya nagpakasal sa Argentinian boyfriend na si Nico Bolzico last Christmas Season.

Ito kasi ang naging impresyon ng marami na ang dalawa tied the knot sa bansa ni Nico na akala nga namin, ang pagpunta ng mga kabigan nila sa Argentina like Anne Curtis with Erwan Heausaff (brother of Solenn Heussaff), Georgina Wilson, and Isabelle Daza ay para dumalo sa napakaimportanteng okasyon na ito for Nico and Solenn.

‘Yong naganap sa Argentina was “celebration of union”, tawag ni Solenn at hindi kasalan ayon pa sa sexy star ng pelikulang “Lakbay2Love” na isang environmental film ni Ellen Ongkeko-Marfil who gave us wonderful films like “Boses”.

Kuwento pa pa ni Solenn, “I was excited to see Nico’s parents. It was a celebration for me. Kaya ‘yong kasal na lumabas sa newspaper last year (two days before the end of 2015) ay napangiti siya sa agad-agad na speculations ng media at maging ng publiko.

ADVERTISING

Sabi ni Solenn, hind niya ipagmamaramot ang information ng kanyang kasal kung sakaling mangyari man ‘yun. “But it will be in the next two years pa and I want it to happen ni France,” sabi niya.

Nagkataon lang na ang mga kabigan niya like Isabelle, Anne Curtis, at Georgina was free to join her sa bakasyon niya sa Argentina kaya timing na mag-bonding ang magkakabarkada.

By the way, ang “Lakbay2Love” ni Solenn ay magkakaroon ng kakaibang premiere night (green carpet) sa January 29 sa UP Amphitheater with matching song umbers mula kina Dennis, Solenn, Gig Manila, UP Music Circle, at marami pang iba, at ipapalabas sa mga sinehan sa February 3.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING