Solenn Heussaff, ‘di uurungan si John Loyd Cruz sa inuman!

Solenn Heussaff, ‘di uurungan si John Loyd Cruz sa inuman!

Solenn Heussaff, ‘di uurungan si John Loyd Cruz sa inuman!WILLING DAW MAKIPAG-INUMAN ang pinakabago at inaabangang 2012 Calendar Girl ng Ginebra San Miguel na si Solenn Heussaff na makipag-inuman kay John Lloyd Cruz na balitang malakas uminom.

Tsika ni Solenn, matibay siya pagdating sa inuman kaya naman daw hindi niya uurungan si John Lloyd, kung sakaling magkaroon ng pagkakataong yayain siya nitong uminom.

Kuwento pa ni Solenn, hindi naman daw siya grabeng uminom, kumbaga, occasional lang at kailangan lang talagang uminom. Tinatantiya na rin daw niya kung kaya pa niyang uminom dahil kung hindi na ay tumitigil na siya. Ayaw naman daw nitong umabot sa puntong lasing na lasing na at halos binubuhat na palabas dahil sa sobrang kalasingan, dahil sobrang nakakahiya raw ito.

Happy raw si Solenn, dahil majority choice siya ng pamunuan ng Ginebra San Miguel para maging 2012 Calendar Girl, kung saan sobrang ganda at class ang mga sexy pictures nito na ginamit sa kalendaryo.

 

MASUWERTE ANG DALAWANG bagets stars na sina Nadine Ilustre at Aj Muhlach dahil sa kanila ipinagkatiwala ng TV5 at Viva Entertainment ang pagsasatelebisyon ng  PS I love You na pingabidahan nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa pelikula.

At ngayong isasatelebisyon na ito, si Nadine ang gaganap na Sharon at si Aj naman ang gaganap na Gabby, kung saan ilan sa makakasama nila ay sina Kean Cipriano at Alex Gonzaga, plus mga bigating artista na susuporta sa pinakabagong tambalan ng TV5.

Solenn Heussaff, ‘di uurungan si John Loyd Cruz sa inuman!

Tsika nga ni Nadine nang makausap namin sa bakuran ng TV5, very thankful siya sa Viva Entertainment at TV5 sa malaking break na ibinigay sa kanila ni Aj. Sana raw ay suportahan ito ng kanilang mga tagahanga at mga tumatangkilik sa kanilang teen show na Bagets.

 

KASAMA SA NEWEST afternoon soap ng ABS-CBN na Angelito, Batang Ama, ang Gigger Boys member na si Benjamin De Guzman, at ayon sa kanya, if ever daw na darating siya sa puntong makakabuntis sa kanyang edad na 17, pananagutan daw niya ang babaeng kanyang nabuntis at aakuin ang bata.

Ayon kay Benjamin, hindi raw dapat tinatakasan ang ganong klaseng responsibilidad, dahil pareho naman daw nilang ginusto ang nangyari. Kawawa naman daw kasi ang babae at ang magiging anak nito kung basta-basta na lang tatakbuhan at iiwan sa ere nang mag-isa.

Aprubado raw kay Benjamin na tawaging ‘batang ama’ if ever na dumating sa puntong makabuntis siya. Wala naman daw sa edad ang pagiging ama, basta ang mahalaga ay paninindigan mo kung ano man ang bunga ng ginawa n’yo.

Kaya naman daw ingat na ingat ngayon si Benjamin at hindi pumapasok sa mapupusok na kalimitang ginagawa ng mga kabataan, dahil alam niya ang maaaring idulot nito. Mas gusto raw ni Benjamin na gagawin niya ang mga bagay na iyon kapag nasa tamang edad na siya at sa taong mahal na mahal niya, at gusto niyang makasama nang buong buhay.

Sa ngayon daw, mas gusto muna nitong tutukan ang kanyang pag-aaral kung saan kumukuha ito ng Culinary Arts sa Enderund. Dalawa ang regular shows nito, ang ASAP Rocks at Angelito, Batang Ama,  at may bagong tayong negosyo.

 

MASAYANG IBINALITA NI Lovi Poe na pagkatapos nitong maglagare ng sobrang dami ng pelikula at namahinga muna for a while sa telebisyon, magbabalik-TV na raw siya via Legacy ng GMA-7 na unang inialok kay Iza Calzado na tinanggihan nito.

Happy nga raw si Lovi dahil may bago na naman siyang primetime soap, kung saan makakasama sina Heart Evangelista at Alessandra de Rossi, Geoff Eigenmann at Sid Lucero.

Bukod sa Legacy, tinatapos na rin ni Lovi ang kanyang latest movie sa Regal Films, ang Yesterday, Today and Tomorrow, kung saan makakasama niya ang nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano.

John’s Point
by John Fontanilla