Solenn Heusaff, peke ang katawan

ADVERTISING

Solenn Heusaff, peke ang katawan

Solenn-HeusaffHINDI NAKAUGALIAN ni Solenn Heusaff maging sinungaling kaya nang may magtanong kung paano niya inaalagaan ang super seksi at katakam-takam na katawan ay kaagad na inamin na peke raw ang kanyang katawan.

Ibinulgar ni Solenn na produkto siya ng photoshop. Hindi raw lahat ng mga lumalabas na promotional photos niya ay totoo niyang katawan. Mayroon daw siyang unwanted fats sa katawan, lalo na sa likod ng baywang. Hindi rin daw makurba ang kanyang katawan. Diretso nga raw ang kanyang katawan gaya ng isang typical na French girl.

Anyway kahit sabibin at aminin ni Solenn na peke ang kanyang katawan, walang epekto pa rin ito sa mga nagpapantasya sa kanya.

Samantala nang tanungin at hingan ng reaction si Solenn sa nangyaring pag-i-snub daw ni Marian kay Lovi sa TV show na magkasama sila sa GMA 7, napangiti ito at kaagad na nagsabi na wala raw siyang napansin kahit halatang umiiwas lang siya sa isyu nina Lovi at Marian. Hangga’t maaari raw, ayaw niya ng intriga at ayaw niyang sumawsaw sa isyu ng iba. ‘Yun daw ang patakaran niya noon pa, na kung hindi naman daw niya isyu, hindi niya pinapansin at ayaw niyang makialam.

ADVERTISING

Hindi naman itinatanggi ni Solenn na iilan lang sa showbiz ang matatawag niyang tunay na kaibigan. Sina Lovi Poe at Heart Evangelista ang kabilang sa malapit na kaibigan niya, kaya ang dalawa rin daw ang sigurado ni Solenn na iimbitahan kapag ikinasal na siya.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING