Sofie Albert, handa na sa sexy roles sa pagpirma ng 8-picture contract sa Regal Films

ADVERTISING

Sofie Albert, handa na sa sexy roles sa pagpirma ng 8-picture contract sa Regal Films

Sofie Albert With Direk Manny Valera, Roselle Monteverde, And Mother Lily Monteverde
Sofie Albert With Direk Manny Valera, Roselle Monteverde, And Mother Lily Monteverde

Isang DMV Talent ni Direk Manny Valera ang dating grand winner ng forgettable “Artista Academy” ng TV5 na si Sophie Albert.

Nagkaroon ng recall ang name ng dalaga nang mabanggit na “relative” ni Kris Aquino ito sa side ng mother niya na pinsan ni Tetay ang ama bilang isang “Cojuangco”.

Grandniece siya ng yumaong dating Presidente na si Cory Aquino.

Si Sophie, siya ang ex-girlfriend ni Vin Abrenica na kasabayan din niya as a winner sa naturang patimpalak sa mga nangangarap na maging artista. Si Sophie ang winner sa babae at si Vin naman sa lalaki.

ADVERTISING

Sa katunayan, may hindi magandang karanasan ang dalaga sa pagkapanalo niya sa naturang talent search. Isa na rito ang sinasabing P5 million guaranteed contract niya as a winner na hindi natupad.

Ang kotseng napanalunan niya ay ipinagbili naman niya half the price at ang one million pesos in cash (tax free) ay halos wala na.

Pero ang sentimiyento ni Sophie ay ang napanalunang condominium na kasama sa premyo niya as the grand winner na until now ay hindi gina-grant sa kanya sa dahilang nagpalit na raw ng management ang TV5 na sa paglisan ng dating mga namuno at namamahala, natangay na rin ang OPM na condo unit.

Pero waley naman sa totoo lang nangyari sa career ng dalaga sa TV5. Oo nga’t may shows na nagawa si Sophie, pero hindi mo naman maaalala. Just like ng mga nauna sa kanya na nagsipaglayasan na noon pa man.

Mabuti na lang at si Sophie decided na si Direk Manny Valera na lang ang mag-manage ng kanyang showbiz career. Yes, with Manny’s magic and connection sa showbiz, yesterday (Thursday, September 8) ay pumirma na kaagad siya ng 8-movie contract sa Regal Films.

Yes, si Sophie ang pinakabagong Regal Baby nina Mother Lily at Ms. Roselle Monteverde.

Sa movie contract ng dalaga, exclusive siya sa Regal Films, pero kapag kailangan siya ng Star Cinema or ABS-CBN ay papayagan siyang gumawa ng project sa Kapamiya Network.

Ang balitang nakarating sa amin, interesado sa kanya ang Star Magic. Gusto si Sophie ni Mr. M. at ni Miss Mariola. Gusto rin siya ni Ms. Malou Santos ng Star Cinema.

Kung inalat at walang nangyari sa kanyang career si Sophie sa TV5, this time babawi ang dalaga. Raratsada, ‘ika nga.

Hindi pa naman huli. This time, the pa-tweetums image ni Sophie ay aalisin na niya at ready na rin sa adult roles.

“Yes, I’m ready to do sexy roles,” sabi niya.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING