Sofia Andres, tahimik lang sa relasyon nila ni Diego Loyzaga

ADVERTISING

Sofia Andres, tahimik lang sa relasyon nila ni Diego Loyzaga

Sofia Andres & Diego Loyzaga
Sofia Andres & Diego Loyzaga

Tila may something na namamagitan between the pretty Sofia Andres at ang bagets na si Diego Loyzaga. Yes, palagi kasi naming nababasa sa social media na palaging magkasama sa mga activities nila ang isa’t isa.

Hindi nga lang siguro magkasama sina Sofia Andres at Diego last night nang maispatan namin ang dalaga na kumakain ng donut sa regular donut house na tambayan namin. Kasama ni Sofia ang isang kaibigan at ang pinsan niya. Hindi lang namin naitanong kung saan sila galing. Kaswal lang naman kasi ang suot ng dalaga na sa unang pelikula niya na napanood namin na “Relax, It’s Just Pag-ibig” nagustuhan namin siya. Nagustuhan ko ang kabunan ng pelikula.

Sa kasalukyan, wala pang project ang dalaga na naka-line up sa Kapamilya Network o di kaya’y sa Star Cinema. Kaya panay acting workshop ang ginagawa niya latetly.

Sabi nga ni Fernan de Guzman aka Ms. F, pwede silang maging partner ni Diego. May chemistry ba sila?

ADVERTISING

Sabi ko, puwede. Mas stable sila physically, bagay ang mga itsura nila para maging maka-love team. Why not?

On the way out sa donut house, may pahabol kami kay Sofia kung kumusta na sila ni Diego. “Okey lang po,” maikling sagot niya sa amin na marahil alam na niya ang gusto naming tumbukin.

Ayon sa kuwento ng dalawa, wala na raw ‘yong kaso ng Lopez brother na nakaengkuwentro ni Diego Loyzaga noon.

Hindi lang nilinaw ng dalaga kung legally ay naabsuwelto ang magkapatid sa kaso na isinampa sa kanila or vice versa. I’m sure may magic na naganap. Si Diego kasi, biglang nanahimik na very vocal noong simula ng engkuwentro.

By the way, ang  balita ko, ire-revive ng ABS-CBN ang hit sitcom nilang “Palibhasa Lalaki”, kung saan ang troika nina Richard Gomez, John Estrada, at Joey Marquez ang naging kasama natin sa saya at kapilyuhan ng tatlo. Sa bagong bihis ng Palibhasa Lalaki, si Sofia, kabilang sa cast.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING